Ina, palaging pinapagalitan ang anak dahil sa pagpupuyat, nang malaman ang dahilan ay nanlum0 sila

Oh Sarah, Kayo muna ulit dito ni Yaya mo ha, Wag ka maglilikot, huwag matigas ulo papasok na si Mama at Papa sa work ha” Paalam ni Shiela sa kanyang anak.

“Sige po Mama, Babye po uwe po kayo agad ha” sagot ni Sarah.

“Opo mahal kong anak, at hindi lang yan bibilihan ka pa namin ni Papa mo ng pasalubong”.

Dumaan ang maghapon naubos ang oras ng bata sa kakalaro at kapapanood ng paborito niyang palabas sa telebisyon.

Sa edad ni Sarah ay hindi pa niya alam ang dahilan kung bakit nagtatrabaho ang kaniyang mga magulang.

Walang kaalam-alam si Shiela na may tampo sa kaniya ang kaniyang anak.

“Halika na dito Sarah, at tayo ay kakain na” salita ng kaniyang Yaya na.

“Yaya-yaya, Love po ba ako ni Mama?” Tanong ni Sarah.

“Oo naman, love na love ka ni Mama at Papa mo kaya nga sila nag tatrabaho ay para sayo”

“E bakit hindi sila nakikipaglaro sakin tapos lagi pa sila gabing gabi na nauwi”

Sa tuwing darating kasi ang mag-asawang Shiela at Rico ay halos pasado alas onse na kaya naman sa mga oras na yon ay tulog na ang batang si Sarah.

Ang ginagawa na lang ng mag-asawa ay sisilip sa silid ng kanilang anak bago sila magpahinga.

“Tignan mo o tulog na tulog, Alamo Rico naawa ako sa anak natin hindi na natin naipapasyal, katulad nito sa darating na linggo may seminar at meeting na naman ako” Wika ni Shiela sa kanyang mister.

“Ganun ba? Hayaan mo sa susunod na linggo ay maluwag na ang aking iskedyul sa trabaho” sagot ni Rico.

Samantala, isang gabi sa pag-uwi ng mag-asawa ay nagualt silang nadatnan nilang gising pa si Sarah at nanonood ng telebisyon sa sala.

Agad-agad naman itong nilapitan ni Shiela at pinagalitan.

“Sarah! Anong oras na ? at bakit gising kapa?” Pasigaw na salita ni Shiela sa kanyang anak at dahil dala narin ito ng pagod.

“Ma-ma`am sorry po, Kanina ko pa po kasi sinasabihan na matulog na siya pero ayaw niya po talaga” paliwanag ng Yaya.

Lumipas ang ilang araw, halos isang linggo niyang nadadatnan ang anak na gising pa at nagpupuyat kaya naman sa pag-aakala niyang tumitigas na ang ulo nito ay lagi niya itong napapalo at napapagalitan.

“Ano ba Sarah, Pagod na nga ako sa trabaho ayaw mo pa sumunod ha tumitigas na talaga ang ulo mo” sigaw nito sa kaniyang anak.

“Arayyy! Mama tama na po ayaw ko na po masakit na po!” sigaw ng bata

Nang mahimasmasan sa galit si Shiela ay agad niyang pinuntahan ang kaniyang anak na napagalitan at nasaktan. Umiiyak pa rin si Sarah ng kanya itong puntahan.

“Sarah? Sorry anak ha sobrang pagod lang talaga si mama mo, ikaw kasi anak bakit ba ayaw mo agad matulog? alam mo naman na masama ang magpuyat lalo na sa bata diba” tanong ni Shile sa kanyang anak.

“Alam niyo kasi Mama gusto ko kasi kayo makalaro ni Papa e, Kaya hindi agad ako natutulog kasi wala kayo sa umaga tapos sa gabi naman lagi akong naabutan na tulog na pag-uuwi kayo” Humihikbing sagot ni Sarah..

Tila may kumurot sa puso ni Shiela na bigla siyang napatigil at natauhan ng marinig ang naging sagot ng kaniyang anak.

Hindi namamalayan nilang mag-asawa na nawawalan na sila ng oras sa kanilang anak sa kahahanapbuhay ay napapabayaan na nila ito.

“Anak, pasensya na ha sorry talaga, Hayaan mo promise ni Mama next week pupunta tayo kahit saan mo pa gusto mamasyal tayo pero promise mo sakin na tutulog ka na sa oras ha wag na magpupuyat? okay po ba iyon?” pambawing wika ni Shiela.

“Totoo po Mama? Kasama din po si Papa? tapos si Yaya din po? tanong niya

“Siyempre naman kasama sila lahat, Kaya naman ngayon magpapakabait ka ha”

Agad agad naman niyapos ni Shiela ang kaniyang anak haabng pinipigilan ang luha sa mga mata nito.

Tila nasa isip parin nito ang sinabi sa kaniyang anak at napagtanto niya na nangungulila na sa magulang si Sarah kaya naman kinausap din niya ang kaniyang asawa tungkol dito.

“Alam mo Mahal, Kinausap ko kanina si Sarah nalaman ko kaya pala siya nag pupuyay ay para mahintay tayo at para makita`t makalaro niya tayo kasi busy daw tayo sa umaga kaya nilalabanan niya ang anak!” Naiiyak na sambit ni Shiela sa kaniyang asawa.

“Kaya pala sa tuwing uuwi tayo kahit dis oras na nang gabi ay gising pa siya”

“Ganito itutuloy natin ang bakasyon nextweek para naman makabawi tayo sa anak natin, ipakita natin sa kanya na may mga magulang siya na mahal na mahal siya:

Napagplanuhan ng mag-asawa na mag leave sa kanilang trabaho at ito ay pinayagan naman ng kanilang mga boss at ang kanilang buong bakasyon ay nakalaan para sa kanilang anak na si Sarah.

Masayang nagbakasyon ang Pamilya nina Shile, Rico at Sarah. halos isang buwan sila sa naturang bakasyon. Para kay Shiela at Rico nagpapasalamat sila na nagkaroon sila ng anak na tulad ni Sarah na sa murang edad ay nagagawang makagawa ng paraan makasama lang sila.

Ipinangako ng mag-asawa sa kanilang anak na si Sarah na hinding hindi na sila mawawalan ng oras dahil napagdesisyunan na din ni Shiela na hindi na siya mag tatrabaho at ibubuhos niya ang kaniyang oras para sa kaniyang anak at para mabantayan niya ito sa paglaki at pagtanda.

Source: Inday Trending