Bride na workaholic, nagta-trabaho pa din sa kalagitnaan ng kanyang kasal, groom sobrang lungkot

Ang isa sa mga pangarap ng kababaihan ay ang maikasal sila dahil ito ay sagrado para sa isang mag-asawa.

Pero ang pag-aasawa ay hindi madali sa mga kababaihan dahil isa tong bagong yugto ng kanilang buhay kung saan ang lahat ng kaniyang pamumuhay ay magbabago.

Madalas ang isang kasalan ay ginagawang enggrande kung saan lahat ng kamag-anak, kaibigan at kakilala mo ay imbitado sa iyong pinakamahalagang araw at ito ay ang iyong kasal.

Talaga naman ito ay pinaglalaanan ng oras, panahon at siyempre ng pera.

Samantala, kamakailan lamang ay may isang kasalanan na talaga namang pinag-usapan sa social media dahil makikita mo rito na ang babae ay abala masyado sa oras mismo ng kasal

Mapapansin mo na habang katabi ang kaniyang groom ay tuloy lang ito sa paggamit ng laptop at cellphone.

Wala naman magawa ang groom at makikita mo rito ang lungkot sa kaniyang mukha at tanging sulyap na lamang sa pinagkakaabalahan ng kaniyang magiging asawa ang nagagawa niya.

Marami naman ang nagkomento ng iba`t-ibang pananaw ukol sa nakita nila sa social media.

Ang ilan sa mga komento ay naawa sila sa “groom” na wari daw nila ay nagsisisi na agad ang lalaki.

Mayroon naman nagsabi pabiro na marahil mas mahal daw ng babae ang trabaho kaysa sa lalaking mapapangasawa niya.

Pero ito ay naging isang paalala para sa lahat ng tao, lalong-lalo na sa mga may karelasyon na nagbabalak magpakasal.

Maari lamang na bigyan ng halaga o oras ang ganitong klaseng selebrasyon dahil ito ay minsan lamang mangyayari sa ating buhay.

Hindi naman masamang mahalin natin ang trabaho ngunit wag natin kalimutan na may mas mahalaga sa buhay natin na higit pa sa trabaho kundi ito ay ang ating pamilya o magiging pamilya.