Alessandra, choosy sa kanyang movies dahil gusto ibigay ang kanyang best kahit tatlo pa ang kanyang ulo

Naging number one topic ito sa socmed simula ng ipalabas ito sa Netflix at lahat ng manonood ay pinupuri ang dalawa dahil sa galing ng pag-arte nito dagdag pa ang magandang kuwento ng pelikula.

Kung matatandaan ay nauna ng nagpasalamat sa kanyang mga tagahanga si Paolo at sa mga taong nakapanood ng “TNAD” na ipinalabas nong nakaraang taon.

Sa kanyang Instagram ayon sa kanya hindi niya in-expect na papasok sa TOP 10 Movies ng Netflix dito sa ating bansa ang pelikula niyang “Through Night and Day” at pati na rin ang isa niyang pelikula na “Ang Pangarap Kong H0ldap”.

Ayom naman kay Alessandra de Rossi na leading lady ni Paolo sa “TNAD” ang movie daw na ito para sa kaniya ay isang ‘answered prayer” noong taong 2018 na wala siyang proyekto o trabaho.

Sa isang Twitter post ng isang netizen kugn saan nakalagay dito ang pagpuri niya sa aktress dahil sa galing nito sa movie.

Nag-comment naman dito ang scripwriter umano ng pelikula na si Noreen Capili at makikita dito ang sagot nito na si Alessandra daw ay masuring pinipili ang mga gagampanan na roles nito sa TV man o pelikula.

“Choosy po talaga si @msderossi sa mga movies niya. Ayaw niya masira filmography niya sa IMDB. Tignan niyo, lahat ng movies niya puro Rated A or Rated B. at choosy din siya sa mga roles sa TV! Kasi ibibigay niya talaga ang best niya! Yes kahit doon sa roles niya na tatlo ulo niya!” ayon kay Noreen.

Ito naman ay sinagot agad ni Alessandra : “Bwahahahaha! Walang-wala ako nu`ng time na yun! Ipinagdasal ko kay Lord magka-work., “The following day, may offer ako.. Tatlo nga lang ulo ang roles? Medyo comedy si God. I wasn`t specific. Sabi ko, work God, by tomorrow, kahot ano. HE DID IT.. okay go!”

Dagdag pa ng aktres: “Thakyou po sa mga nagtweet sa akin about #throughnightandday. Gusto ko man ilike lahat, bilang pasasalamat, eh baka maumay mga followers ko at maisip na feel naman nito?!

“Dahil nakikita pag-nila-like lang diba? Kaya nga nakakakita ako ng p0rn sa twitter? Ano toh! Salamat!” sambi nit award-winning actress.

Samantala, naikwento din ng aktres ang ibang detalye tungkol sa movie na kinuhaan sa Iceland talaga naman nagustuhan ng mga manonood.

“Ako dapat magsusulat ng ‘TNAD’ dahil buo naman na yung kwento sa isip ko. Sa sobrang pressure sa soap noon, kasi leading lady daw ako doon, di ko magawa! Pinasulat ko kay @noringai dahil ido/mentor/bff ko siya. Sabi ko, ako nalang magdidirek! GO girl!

“Noong nabasa ko yung script ni @noringai, na pressure ako. Masyado akong nagandahan., 100x better sa kaya kong gawin, dahil di ako writer.

“Natakot ako na baka masira ko yung film. I`m glad na si direk Veronica Velasco ang gumawa. Salamat direk and noreen ! BUTI NALANG!” kwento ng aktress na masayang masaya habang ito ay sinasabi.

At pahabol ng aktres may isang bagay na daw ginamit niya sa Iceland na nagsilbing palatandaan na ito ay ipalalabas din sa Netflex ang kanilang movie ni Paolo.

“April 1 2018, Iceland. Sorry for my handwriting. I picked this place. At ang notebook. Si God talaga! May sign na dati pa”. dagdag ng kapatid ni Assunta de Rossi.

Source: Bandera Inquirer