Bride na may lihim, tumakbo sa araw mismo ng kasal, nalaman ang katotohanan ng nobyo ay nagulat pa siya sa naging reaksyon nito

Ang mag nobyo at mag nobya na sina Hera at Lemuel ay anim na buwan nang magkasintahan.

Mahal na mahal nila ang isa’t isa lalung- lalo na si Hera pagkat batid niya na ang lalaking kaniyang iniibig sa kasalukuyan ay wala nang mas maka-hihigit pa.

Si Lemuel ay  mabait, responsible, may respeto sa kahit na sino at bukod pa doon, sobra pang gwapo.

Ngunit hindi pa din maialis ang takot at kaba kay Hera sa tuwing sasagi sa kaniyang isip ang kaniyang lihim na kay tagal na niyang hindi binabanggit sa kaniyang nobyo na walang ginawa kung hindi maging tapat sa kaniya.

Sa pag uusap ni Hera at ng kaniyang beki na bestfriend na si Sweet, “Kailan mo ba balak sabihin? Kailangan pa ba talagang malaman pa niya?”

“Syempre naman! Eh kahit hindi ko naman sabihin malalaman at malalaman niya din. Paano kung hanapan niya ako ng mga pictures ko dati? Ano na lang sasabihin ko” pag aalala ni Hera.

“Bakit ba kasi kailangan mo pa ng dahilan? Wala ka naman nang pictures dati ah? Diba nasama nga sa sunog? Saka naayos mo na din yung sa mga ID at personal informations mo. In short, legal ka na. wala ka nang magiging problema pa” giit ni Sweet

Nag isip nang mabuti si Hera sa kung ano ang dapat niyang gawin.

Masaya man siya sa kaniyang buhay ngayon kasama si Lemuel, pero iniisip niya pa din ang magiging pakiramdam nito sa oras na nalaman na inilihim niya ang tunay niyang pagkatao sa kaniyang minamahal na nobyo.

Ang katotohanan sa madilim na kasinungalingan ni Hera ay ang dati niyang kasarian.

Siya ipinanganak hindi bilang si Hera kung hindi ay bilang Heraldo. Noon pa man ay alam na niyang pusong babae siya.

Kaya naman nag trabaho siya at nag-ipon tsaka pumunta sa bansang Thailand upang doon ipaayos ang dapat ipaayos, padagdagan ang dapat padagdagan at syempre, putulin ang dapat putulin.

Naging matagumpay ang kaniyang pagpaparetoke at wala nang kahit na anong bahid ng kaniyang pagiging lalaki.

Nang umuwi sa Pilipinas si Hera ay doon niya nakita at nakilala si Lemuel. Mabilis nagkapalagayan ang kanilang mga loob.

Masaya sila sa kanilang relasyon ngunit ano man ang gawin ni Hera, hindi niya pa din maitatangging niloloko niya si Lemuel.

Araw na nang kanilang kasal nang biglang…

“Manong, pakihinto po ang sasakyan diyan sa may tabi” naluluhang sambit ni Hera.

“Ah, ma’am bakit po? Naiihi po ba kayo? May malapit pong gas station dito pwede ko po kayo doon ibaba” sabi ng driver

“Basta manong, itabi mo na lang please?” lumabas ng kotse si Hera at nagtatakbo palayo.

Hindi na niya halos makita ang kaniyang dinadaanan pagkat puno ng luha ang kaniyang mga mata. Hindi na mahalaga kung saan siya dalhin ng kaniyang mga paa o kahit masagasaan pa siya.

Iniisip niya na ang panget ng magiging headline kung sakaling mabangga nga siya “Ang kawawang baklang brokenhearted, nagkalat ang mascara at eyeliner sa mata. Hulas ang make- up habang suot suot ang napakalaki at pagkabigat- bigat na gown, nasagasaan lang sa daan!”

Pinatay niya ang kaniyang cellphone upang hindi siya macontact ng kahit na sino. Umuwi muna siya sa probinsya at doon magpalipas ng panahon at magtago.

Walang ibang ginawa si Hera kung hindi umiyak nang mag damage. Hindi na niya halos maidilat ang kaniyang mata dahil sa sobrang maga nito.

Kinabukasan ay kinatok siya ng kaniyang ina ngunit hindi pa man ito nag sasalita ay inunahan na ito ni Hera.

“Ma, ayoko muna po pag- usapan, please? Ang sakit sakit pa din kasi. Hayaan mo muna ako” paki-usap ni Hera.

Muli ay may kumatok sa kaniyang pinto at binuksan ito. bumangon si Hera upang sabihin na.

“Ma, hindi din ako gutom. Please lang…” naudlot ang kaniyang sinasabi pagkat sa pagkakataong iyon ay hindi ang kaniyang mama ang kaniyang nakita kung hindi ay si Lemuel.

Kitang kita sa mga titig ni Lemuel ang sakit na kaniyang nararamdaman dahil sa hindi pagsipot ni Hera sa kanilang kasal.

Suot- suot pa din niya ang tuxedo na tila hindi pa ito natutulog at naliligo. Hindi matingnan ni Hera si Lemuel kaya pumikit na lamang ito at yumuko naghihintay na magbato ng masasakit na salita galing kay Lemuel.

“Lemuel, alam kong malaki ang pagkakamaling nagawa ko. Oo, dapat noong una pa lang sinabi ko na para hindi na umabot pa dito.

Dapat nung una pa lang hindi na ako lumapit sa iyo. Hindi ako Hera… Heraldo ako, Lemuel!

Isa akong ambisyosa at ilusyunadang bakla na kailanman ay hindi magiging tunay na bababe. Mahal kita kaya hindi ko hahayaan na makulong ka sa relasyon na kung saan puro kasinungalingan ang ibinabalik ko sa iyo.

Lemuel, kung mandidiri ka sakin, m-maiintindihan ko. Pero please sana wag muna ngayon kasi ang sakit- sakit pa. nahihirapan din ako” hagulgol ni Hera.

“Bakit hindi mo ako sinipot sa kasal?” Tanging tanong ni Lemuel.

“H-Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Hindi mo ba naiintindihan? Bakla ako, Lemuel! Wala akong matres! Hindi kita kayang bigyan ng anak!”

“Ano bang akala mo sa’kin Hera… Heraldo o kung ano at sino ka pa man dati. Hindi ako tanga! Malamang mahal kita, gusto pa kita makilala kaya ako mismo ang tumuklas ng lahat ng tungkol sa iyo.

Noon pa lang alam ko na yung totoo. Noong una syempre nag dalawang isip ako. But you know what?

Narealize ko na hindi sa kasarian ng tao nababase ang tunay na pagmamahal. Mas pinili kong mahalin ka at patuloy kang mahalin kasi iyon ang nasa puso ko! ” sigaw ni Lemuel sabay takbo papalapit kay Hera at hinalikan ito habang lumuluha silang dalawa

Nang lumabas si Hera sa kaniyang kwarto ay nakita niyang kumpleto ang kanilang mga bisita. Muling lumuhod sa harap niya si Lemuel at sinabing “Marry me, please?”

“Go, go, go!” hiyaw ni Hera

Natuloy ang kanilang kasal at sa wakas ay masaya silang nabubuhay kasama ng kanilang ampon na kambal.

Source: Inday Trending