Dalaga, namangha sa isang lalaki matapos mag-magandang loob upang hindi mabastos at masilipan

Isang kwento ng netizen na may pangalang Clong Clong kung saan ay ibinahagi niya ang nakakbilib na ginawa ng isang lalaki na nakasabay niya sa pampasaherong jeep.

Ayon sa kanyang kwento habang siya ay nakaupo sa sinasakyang jeep sa kaniyang harapan ay may isang lalaking naupo.

Habang ang kanilang sinasakyang jeep ay umaandar laking gulat niya na ang lalaking kaniyang nasa harapan ay nagaabot ng isang damit at napag-alaman na ito ay kanyang uniform para daw maitakip sa hita ng babae at nang sagayon ay hindi ito masilipan.

“Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalaki sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw.” Pagkukwento ni Clong Clong.

Ayon sa kaniya ang soot daw niya sa mga oras na iyon ay isang dress na above na knee naman ito pag nakatayo hindi naman ito masyado pangit tignan.

Narito ang kabuuang post ni Clong Clong:

“Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalake sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw. Naka dress ako pero hindi naman ganun kaiksi above the knee pag naka tayo.

At first tumanggi ako at nag sorry sabi ko tatabingi nalang ako ng upo but he insist na kunin ko yung damit. Dito pumasok sa isip ko na no matter how u dress as a girl nasa lalake padin talaga kung pano sila mag isip. Luckily gentleman si kuya. Again hindi po kaiksian yung dress ko at may short ako sa loob.

“PS: Baka ayaw niya lang nakikita yung pata ko? Hahahaha”

Dahil sa naturang kwento na ito ni Clong Clong sa kanyang social media account ito ay inulan ng mga positibong komento at reakasyon sa ating mga netizens.