Miss Sinulog 2020, nagtitinda ng ‘pilipit’ ngayon pandemic upang kumita, viral sa socmed at hinangaan ng madla

Ang mga beauty queen ay tinitingala bilang isa sa mga pinaka magaganda, biyaya ng may kapal at matatalino.

Isa sa kanilang dapat gampanan ay ang maging huwaran sa lahat ng mga kababaihan lalo na ng mga kabataan.

At iyon mismo ang pinatunayan ng Sinulog Beauty Queen na si Monika Afable.

Sa gitna ng pandemyang nararanasan, isinantabi ni Monika ang kaniyang pagiging Crowned Sinulog Queen at piniling tulungan ang kaniyang pamilya sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng pag bebenta ng “Pilipit” sa kanilang mga kapit bahay.

Makikita sa Facebook page na Pageanthology- 101 Philippines, inupload nila ang mga larawan ni Monika na naglalako sa kanilang mga kalapit bahay habang buhat buhat ang mga produktong kaniyang ibinebenta.

Ayon din sa page na iyon, si Monika daw ay likas na mapagkumbaba na mas inuuna ang kapakanan ang kaniyang pamilya bago ang kaniyang sarili.

Ang kaniyang pagiging Sinulog Queen ay hindi naging hadlang sa kaniya bagkus ay mas nag effort pa siya na may magawa para makatulong sa kaniyang pamilya lalo na ngayon na humaharap ang lahat sa krisis na ito.

Ayon din sa Rappler, si Monika daw ay isa lamang Grade 10 student na kung saan tinalo ang 10 pang contestants noong January sa Sinulog Festival Queen 2020.

Bukod sa pagiging Crowned Sinulog Queen, nag uwi din si Monika ng mga parangal kagaya ng Miss Mega Sardines, Miss Tender Juicy, Miss McDo Queen, at Miss Robinsons Galleria.

Siya din ay nanalo bilang Best in Runway sa Runway Competition na ginanap 3 araw bago ang finals night.

Tunay ngang hindi lamang kagandahan sa panlabas na anyo ang mayroon si Monika kung hindi ay kabusilakan din ng puso.