Mag-asawa, nakadiskubre ng kayamanan na may diyamante, alahas at pera na P2.5M sa kanilang bakuran

Kadalasan ay may mga bagay tayong hindi napapansin sa loob at labas ng ating bahay.

Maaaring ang mga bagay na ito ay lumang kabnet, mga sirang piraso ng mga bakal o hindi kaya man ay nangangalawang na mga sisidlan.

Samantala, ang mag- asawang ito ay tila nanalo sa lotto nang makita nila ang isang nangangalawang na safe na kanilang napansin sa madilim na bahagi ng kanilang bahay.

Ang nangangalawang na safe na iyon ay may laman na mga kayamanan na nagkakahalagang $52,000 o Php 2,569,346.

Sa report ng CNN, ang mag- asawa ay nakilala bilang sila Matthew at Maria Colonna- Emanuel.

Inakala nila na ang nangangalawang na metal na nasa likod ng mga puno sa kanilang bakuran ay parte lamang ng kable o electrical box.

Nang lumipat ang mag- asawa sa kanilang Staten Island home sa New York, napansin na nila ito ngunit hindi na pinakealaman.

Hanggang sa isang araw, nagkaroon ng wildfire sa kanilang bakuran na naging dahilan ng pagiging mas kapansin pansin na metal box.

Kaya ang ginawa ng mag- asawa ay hinukay ito at laking gulat nila nang makita ang nilalaman nito.

Napakaraming alahas ang nasa loob na mayroon pang mga nakadikit na diyamante dito.

“Hundreds, jewelries, diamonds, engagement rings. Dozens of rings, gold with jade. It was stunning” sambit ni Matthew.

Nang siniyasat pa nila lalo ang laman ng safe na ito, may nakita silang isang piraso ng papel na kung saan ay may nakasulat na address at ang address na iyon ay hindi sa kanila kung hindi sa kanilang kapit- bahay.

Nagdesisyon ang mag- asawa na ibalik ito sa tunay na may- ari. Napag- alaman na ang safe na ito ay ninakaw pala sa kanilang kapit- bahay noong 2011 pa.

Madami ang nagtatanong kung bakit nila isinauli ang kayamanan na sila mismo ang nakatagpo.

Katwiran nila, hindi naman talaga sa kanila ang kayamanan na iyon kaya nararapat lamang na ibalik ito sa tunay na mga may- ari.

Source: Trendszilla