Mayaman na lalaki, nabig0 matapos mag-propose sa isang babae na inalok pa ng Lamborghini

Marahil mapapansin natin ang ibang lalaki na pagdating sa pagpapasikat o pagpapakitang gilas nila sa kanilang nililigawang babae.

Ginagawa nila ang lahat tulad ng pagpapakita ng kanilang kayamanan o mga ari-arian tulad ng magagarang sasakyan o di kaya naman ay pagpapakita ng kanilang talent makuha lang nito ang matamis na oo ng kaniyang babaeng gusto.

Samantala, hindi sa lahat ng oras ito ay gumana dahil mayroon parin mga babae na mas sinusunod ang tibok ng puso nila kaysa sa mga nakikitang materyal na bagay.

Ganyan-ganyan ang nangyari sa isang lalaki na nagpropose sa Hunan, China.

Sa isang page na may pangalan na South China Morning Post may isang video na inupload kung saan mapapanood dito na ibinibigay ng lalaki ang isang Lamborghini, flowers at habang nakaluhod at nagpoprose sa isang Russian Girl sa gitna ng kalsada.

Makikita na ang Russian Girl ay napaluha sa kaniyang nakita marahil ito ay nadala ng suspresa at halos lahat ng nakapalibot sa kanila ay isa lang ang bukambibig kundi “Marry Him”.

Ngunit lahat ay nagulat ng sabihin ng babae na:

“Stop pressuring me. I do not want this. I`m sorry”.

Sa lahat ng ginawa ng ito ng lalaki at effort na ipinakita niya kahit ipinakita niya sa babae na ito ang kaya niyang ibigay halos lahat lahat kapag siya sinagot ngunit sa huli ay umalis parin ang babae at tumakbo ang masakit pa doon ay ang huling sinabi ng babae na:

“so what if you`re rich?”

Dahil sa kahihiyan ng mayamang lalaki sa hindi pag sagot sa kaniya ay napagdiskitahan niya ang mga produkto na nakadisplay malapit kung saan siya nag propose.

Simula ng pangyayaring iyon ay wala nanamang mga report o balita ang lumabas tungkol sa sunod na nangyari sa babae at sa mayamang lalaki.

Rich man proposes to Russian girl with Lamborghini

Money (and luxury sports car) can't buy you love.

Posted by South China Morning Post on Tuesday, February 19, 2019