Bahay na nababalot ng mga nangangalawang na yero, napabilib ang madla sa hitsura sa loob na yayamin ang loob

May mga tao na mas gusto ang simple kaysa engrande habang ang iba naman ay kabaliktaran pagkat mas gusto nilang nakikita ang kanilang pinag hirapan at magsilbing inspirasyon sa iba pang nakakakita at napapadaan.

Ang mga damit, sapatos, alahas at iba pang kagamitan na iyong binili gamit ang sarili pera ay isa na sa maipag mamalaki mong galing talaga sa iyong pinag hirapan. Ngunit ano pa kaya pag kakaroon ng sariling tahanan na pinapangarap ng karamihan.

Minsan, ang estado ng tao ay binabase sa kung saang lugar, pamilya at pamamahay ang mayroon ka. Nguni tang kliyenteng ito ay tila kakaiba ang kaniyang mindset sa nais niyang ipagawang sariling tahanan.

Kamakailan lamang nang nag viral ang mga larawan ng isang two-story house na kung titingnan o sa labas ay napaliligiran ito ng mga luma at kinakalawang na mga yero ngunit ang totoo, mapapabilib ka na lang sa ganda ng loob nito.

Maaaring sa labas ay pipitsugin ngunit ang mga kagamitan sa loob ay mamahalin.

Ayon sa caption ng naturang post ng Facebook page na Arch Capitol – Architectural Design Studio @archcapitolPH, ito daw ay para sa mga taong nag nanais ng magarbong bahay ngunit hindi takaw pansin sa mata ng mga magnanakaw at mga mangungutang na kapit- bahay.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang mga netizens ukol dito. Sa totoong buhay ay hindi mo naman kailangan pang magpasikat sa mata ng iba.

Minsan mabuti ding sinasarili mon a lang ang mga hakbang sa bawat hagdan ng tagumpay ngunit huwag pa ding kalilimutang magbigay at huwag magdamot sa mga taong mas nangangailangan ng tulong.

Client: Architect, paki-design ako ng bahay na hindi takaw tingin sa mga magnanakaw saka sa mangungutang kong…

Posted by Arch Capitol – Architectural Design Studio on Tuesday, July 21, 2020