Ilan sa mga larawan ng aktres na si Angel Locsin ay umiikot at nagba-viral online dahil umano sa paglaki ng kaniyang katawan, pagdagdag ng kaniyang timbang at pag iiba ng hub0g ng kaniyang mukha na tila nanibago ang marami sa kaniya hitsura.

Hindi maitatanggi na isa si Angel sa may pinaka magandang postura at hub0g ng katawan sa mga celebrities sa showbiz industry ng Pilipinas.

Kaya madami ang nagtataka kung bakit ganoon na lamang ang itinaba niya.

Bago natin ito punahin, dapat lamang malaman natin ang tunay na kwento sa likod ng katawang ito at tunay na dahilan kung bakit ito nararanasan ni Angel Locsin.

Kung maaalala natin, si Angel ay inalok muling gumanap ng Darna taong 2015.

Noong una ay pumayag ito ngunit sa kaniyang pagsasanay at preparasyon, napag alaman na siya ay may Disc Bulge sa kaniyang spine.

Dahil dito, dumaan si Angel sa napakahabang treatment at operasyon. Kasabay nito ay ang pagdagdag ng kaniyang timbang na hindi na makontrol o mapigilan.

Ito ang epekto ng kaniyang maintenance at dahilan din kung bakit niya tinanggihan ang role bilang Darna.

Noong mga 2000s, si Angel Locsin o si Angelica Colmenares sa totoong buhay, naging parte siya ng GMA Network na kung saan gumanap sa iba’t ibang teleserye na talaga namang inaabangan ng lahat.

Siya ang may pinakamataas na bayad at hinahangaan ng madla. Kaya binansagan siyang “Primetime Queen of GMA-7”.

2008 nang lumipat siya sa ABS- CBN. Madaming pinto din ang nagbukas para sa kaniya.

Lumabas siya sa “Lobo”, naging bida sa “Imortal” at “Legal Wife”.

Pinatunayan lang ni Angel na kahit saan siya ilagay ay kayang kaya niya iyong gampanan dahil palagi niyang ibinibigay ang lahat sa kung ano man ang kaniyang ginagawa.

Ganoon pa man ang nagiging sitwasyon ni Angel sa ngayon, madaming humuhusga at lumalait ngunit mas madami pa din ang nagmamahal at sumusuporta dahil sa taglay niyang tapang at kabaitan.