Ang dating aktres at ngayon ay Brgy. Chairman ng Longos, Malabon City na si Angelika Dela Cruz ay nag-upload kamakailan lamang sa kaniyang Youtube Channel.

Palaging inire-request sa kaniya ng kaniyang mga tagahanga ay ang masilip ang kaniyang bahay at kung ano kaya ang itsura ng loob ng bahay nito.

Tinawag ng aktres ang kaniyang bahay bilang “Casa dela Cruz”, ayon kay Angelika.

Silang dalawa ng kaniyang kapatid na isa ring artista na si Mika dela Cruz ay sabay lumaki sa naturang bahay at doon sila sabay nagbuo ng kanilang mga pangarap.

Sa kanyang pagpapasilip sa kanilang bahay. Ipinakita niya rito ang kanilang ‘living room’ makiktia mo ang pagkasimple ngunit halatang mamahalin ang mga gamit nito.

Makikita rin dito ang mga naging Awards at Trophy ng magkapatid na Dela Cruz sa showbiz industry.

Ipinakita rin ng aktres ang kanilang sariling ‘mini bar’ na talaga namang mamangha ka sa mga nakalagay at display na mamahaling alak.

Sinabi rin ng aktres na dahil silang dalawang magkapatid ay hindi umiinim ng alak kaya napagdesisyunan nilang ito ay i-display na lamang.

At siyempre hindi mawawala ang pinakapaboritong lugar ng aktres sa kanilang bahay, walang iba kundi ang kusina.

Dahil mahilig magluto ang aktres kaya naman talagang makikita mo na simula sa maliit na gamit hanggang sa pinakamalaki ay nakasalansan ito ng maayos.

At habang pinapasilip niya sa kaniyang video ang kanilang kinalakihang magkapatid, Lahat ng mga ala-ala nilang dalawa ay muling nagbalik sa kaniyang isipan.

Mula sa pinakamalungkot at sa mga masasayang ala-ala ay masaya si Angelika habang kaniyang ikunukwento sa kaniyang mga tagahanga ang naging karanasan at ang naging buhay nilang magkapatid sa bahay na yon.

Nagpapasalamat din siya sa lahat ng biyaya na binibigay sa kanila ng Panginoon.