Iba nga naman ang nagagawa ng pera sa isipan ng mga tao. May mga taong maswerteng ipinanganak sa isang mayaman at komportableng buhay.

Ang iba naman ay kinakailangan pang kumayod ng kumayod para lamang may maipakain, maipang gastos at maipang- aral sa mga anak.

Ganoon na lamang ang galit ng isang anak na si Berns Santinor nang maliitin at laitin umano ang kaniyang Mama at ang kanilang buong pamilya ng isang matapobreng “bagong girlfriend ng ex- boyfriend” ng kaniyang kapatid na babae.

Ibinahagi ni Berns ang mga screenshot na kung saan naglalaman ng mga tweets ni Margarette sa Twitter. Noong una lamang daw ay ang kapatid nitong babae ang pinag didiskitahan ni Margarette.

Nilalait at tinatakot na ikakalat ang kaniyang hubad na larawan. Bukod pa dito, ipinopost daw ng babae ang mukha ng kaniyang kapatid ng hindi man lang humihingi ng permiso.

Ngunit tila hindi pa nakuntento ang babae kaya idinamay niya ang buong pamilya nito sa kaniyang pagkakalat sa social media. Mababasa dito kung paano niya maliitin ang buhay ng pamilya Santinor lalong lalo na ang trabaho ng kanilang Mama na “taga kuskos (LANG) daw ng inodoro” sa ibang bansa.

Sinabi niya pa dito na million ang kinikita ng kaniyang pamilya at ang kaniyang allowance ay katumbas lamang ng sweldo ng kanilang OFW na Mama. At ang pinaka malala ay noong sinabi niyang “I can buy you and your family” na nagpapahiwatig na pera lamang ang kapalit ng buhay ng bawat isa sa kanila.

Ayon kay Berns, madaming taon na daw nag hihirap ang kanilang Mama at Kuya sa bansang Singapore at Japan para lang magkaroon sila ng isang komportableng buhay.

Ngunit kailan man ay hindi nila ito ikinahiya pagkat ang hirap at ang sakripisyo nila ay ang kapalit ng kung ano at sino sila ngayon.

Maswerte daw si Margarette at naipanganak siya sa isang mayamang pamilya ngunit hindi nangangahulugan na kaya niyang bilhin at apak apakan ang buhay ng sinuman.

Maaaring ang sahod ng isang taga pagkuskos ng inodoro ay isang maliit na halaga sa kaniya, ngunit para kila Berns isa na itong sapat at higit pa para mabuhay sila.

Umani ng napakaraming negatibong komento mula sa netizens ang matapobreng babaeng ito. maging ang kaniyang mga larawan ay pinagtatawanan dahil hindi naman daw ito kagandahan upang manlait pa ng iba.