Ang mga bata ay mahihilig talagang kumain sa mga fast food chain kagaya ng mga spaghetti, fries, nuggets at ang sikat na sikat na fried chicken na kung saan talaga namang hinihiling nila sa kanilang mga magulang.

Maaaring ang ibang magulang ay gumagawa na lang ng Homemade Fried Chicken para sa kanilang mga anak ngunit ang iba naman ay mas minamabuting mag order na lamang para hindi na maabala pa.

Ngunit ang kagandahan sa homemade ay nakakasiguro ka sa linis a kalidad ng pagkaing ipapakain mo sa iyong pamilya.

Samantala ang iba ay nagtitiwala naman din sa mga fast food chain dahil may mga pangalan itong dapat protektahan lalo na kung sikat na sikat ito.

 

Ngunit ang paboritong fried chicken nga ba ang dahilan kung bakit imbis na mabusog ang 7 taong gulang na batang babae na si Zara Louise ay siyang naging dahilan ng kaniyang pasasakabilang-buhay?

Nagdesisyon ang isang pamilyang Pinoy na ito sa Kuwait na umorder sa online at mag padeliver ng fried chicken.

Habang kumakain ang mag- anak ay tila napansin nilang kakaiba na ang lasa ng manok at unti- unti na silang nakaramdam ng hindi pangkaraniwan.

Pansin na din nilang oily na masyado ang fried chicken na parang ininit na lang.

Pumunta sila sa pinaka malapit na ospital upang maagapan at malaman ang sanhi. Naiwan ang mag amang si Dax Lano at ang panganay na anak na si Sigfried upang i-c0nfine habang ang mag inang si Faye at Zara naman ay umuwi.

Ilang sandal pa lamang nang makauwi ang mag- ina, sumama na agad ang kanilang mga tiyan at nakaranas ng LBM at Pagsusuka.

Agad naman isinugod muli sa ospital ang dalawa ngunit ang inang si Faye ay kinailangan nang ilagay sa Intensive Care Unit.

Ngunit ang pinaka masaklap sa lahat ay ang nangyari sa kanilang bunso na si Zara na kung saan binawian na ng buhay habang papunta pa lamang sa ospital at idineklarang d3ad on arrival na noong March 21.

Napakasakit para sa buong pamilya ang naging kaganapan sa kanila. Nagdesisyon silang magsampa ng kaso oras na mapatunayan na food p0is0ning ang naging sanhi nito.

Sa kabilang banda, lumabas sa aut0psy ni Zara ang r3spirati0n and s3ptic sh0ck ganoon din ang acute failure ng kaniyang bl00d circulati0n.

Inuwi sa Pilipinas ang labi ng bata upang magsagawang muli ng aut0psy.