Bago natin mahalin at makilala siya bilang isang BB Gandanghari, Una natin siyang nakilala bilang isang Rustom Padilla. Isa siya sa pinaka- gwapo at machong artista noong 90`s.

Hinangaan at pinapantasya ng mga kababaihan noon. Mula siya sa Angkan ng Padilla sikat at kilalang Pamilya sa industriya ng showbiz.

Ngunit noong 2006 ginulat ni Rustom ang buong bansa at industriya sa kanyang pag-amin.

Taong 2006, Si Rustom ay sumali sa isang programa sa ABS-CBN bilang housemate ni kuya sa reality program na “Pinoy Big Brother”.

Habang siya ay nasa loob ng bahay ni Kuya siya ay umamin na isang ‘Gay’, nagulat ang marami sa kanyang rebelasyon sa kanyang pag-katao.

Matapos ang kanyang matinding rebelasyon sa naturang programa. Si Rustom ay nagpakilala na sa lahat bilang BB Gandanghari.

Kahit pa nagulat ang marami at nanghinayang siya ay taos pusong tinanggap ng kanyang Pamilya maging ng kanyang fans.

Lambing apat (14) na taon ang dumaan matapos siyang umamin, Maraming fans parin ang hindi maiwasan na malungkot at makamiss sa dating BB o ang dating Rustom.

Si BB Gandanghari ay masaya ng naninirahan sa Los Angeles, California nag tatrabaho siya bilang isang modelo sa naturang bansa.

Kahit sobrang busy nito ni BB hindi parin niya nakakalimutan ang kanyang mga fans na talagang sinusubaybayan siya.

Noong linggo sa isang videolive ni BB ay nagbaliktanaw siya kanyang dating buhay bilang si Rustom.

Maraming nagtanong na netizens kung kaya ba ni BB ikwento sa kanyang ‘vlog’ ang kanyang pagbabago.

Habang sa kanyang live inaalala niya ang dating siya na tinawag niyang si “kambal” hindi niya napigilang maiyak habang inaalala niya ang dati niyang buhay bilang si ‘kambal’.

“Naalala ko si Rustom, naiyak ako. Echos! Paano natin gagawin? Don`t ge met wrong. Wala akong gustong balikan. Ang sinasabi ko lang, that guy is a good guy. Si Rustom ang nagparaya para magkaroon ako ng sariling buhay kaya ako naiiyak.”

Marami din nag tanong na gugustuhin ba ni BB na bumalik bilang Rustom?

Marahil hindi, Para kay BB masaya na siya ngayon kung ano siya at nasaan siya ang mahalaga ay walang siyang tinatapakan tao at mahal siya ng kanyang tagasuporta at lalo na ng kanyang Pamilya.

Dagdag pa nito na ang kanyang kwento bilang si Rustom ay sarado na at natapos na.