Importante talaga na alagaan natin ang ating mga sarili at kalusugan lalo na ngayon at laganap ang mga sakit.

Ang iba ay mas tinutukan ang kanilang kalusugan sap ag inom ng mga vitamins habag ang iba naman ay sinasamantala ang quarantine para sa kanilang glow up.

Kagaya na lamang ni Elha Nympha na ginulat ang marami dahil sa kaniyang slimmer figure at talaga namang pagbabago sa kaniyang pisikal na hitsura.

Photo Credit: Google

Matatatandaang sumikat si Elha taong 2015 nang maging kampeyon sa Season 2 ng The Voice Kids.

Noon ay makikitang iba pa ang kulay ng kaniyang kutis at siya ay chubby pa noon ngunit huwag maliitin dahil ang kaniyang talento sa pagkanta ang siyang umaapak sa lahat ng hindi magandang nakikita sa kaniyang hitsura.

Elha Nympha @elhamaenymphaofficial Instagram

Matapos ang 5 taon na iyon ay madami nang pinagbago sa katawan at hitsura ng dating bata lamang na ngayon ay dalaga na. ang 16 taong gulang na si Elha ay handa nang ipakita ang kaniyang biggest transformation sa mata ng madla.

Elha Nympha @elhamaenymphaofficial Instagram

Makikita sa kaniyang mga larawan ang laki ng kaniyang ipinayat mula sa kaniyang mukha hanggang sa kaniyang talampakan ay iba na.

Madaming netizens ang nakapansin na tila ibang iba na ang Elha noon sa ngayon.

Elha Nympha @elhamaenymphaofficial Instagram

Umani naman ito ng mga magagandang komento dahil sa kaniyang completed achievement. Masaya naman si Elha sa kaniyang mga natatanggap na papuri mula sa iba.

Inilahad niyang 3 kutsarang kanin lamang ang kaniyang kinakain kad- meal.

Elha Nympha @elhamaenymphaofficial Instagram

Sinisigurado niya din na 2 meals lang ang kinakain niya sa buong araw at sinasabayan niya din ito ng abs workout.

Nagsimula siyang mag diet noong March at ang kaniyang workout naman ay noong June 1. Tunay ngang nakamamangha ang pagbabago na ito.