Ang pagiging isang ina ay may kalakip na matindi at mabigat na responsibilidad. May ilang ina na nababalitang pinababayaan at itinatapon lamang ang kanilang mga anak.

Samantala, nariyan pa din ang mga ina na lubos at wagas ang pagmamahal sa kanilang mga supling na kahit na sa paanong paraan pa iyan ay handa nilang gawin para lamang mabuhay ang mga ito.

Kadalasan ang mga ina ay mas inuuna ang kanilang pamilya kaysa sarili. Maski sariling pangangatawan ay hindi na naaalagaan.

Muli nanaman tayong pinahanga ng isang wonder mom dahil sa kaniyang lakas ng loob sa pagpasok at pagtatrabaho bilang isang construction worker para sa kapakanan ng kaniyang mga anak.

Ang ginang na ito ay nakilala bilang si Joan Diviva na kung saan nagbahagi ng kaniyang kwentong buhay sa Wish Ko Lang.

Ayon sa kaniya, ang kaniyang pinagkakakitaan talaga ay ang pag titinda ng mga prutas habang ang kaniyang asawa na si Sherwin Lacao ay ang tunay na construction worker talaga.

Ngunit dala ng pand3mya ay hindi na nagawang makauwi ang kaniyang asawa sa kanila.

Naiwan sa kaniya ang kanilang tatlong anak. Dahil din sa pandemya, nalugi siya sa pagtitinda ng prutas kaya nag desisyon siyang pasukin ang isang mapanganib, napakahirap at napakabigat na trabaho bilang construction worker.

Ininda niya ang pagod, hirap at init sa pagtatrabaho habang nasa ilalim ng matinding sikat ng araw kaysa mabaon sa utang ang kaniyang pamilya.

Sa paraan na ito, nagagawa naman na nilang makakain 3 beses isang araw. Ginampanan ni Joan ang isang pagiging ama habang patuloy ang kaniyang pagiging ina.

Umuuwi siya ng tanghali para ipaghanda at ipagluto ng pagkain ang kaniyang mga anak. Madami ang naantig at humanga sa kaniyang kwento.

Bilang tulong na ibibigay ng Wish Ko Lang, sinundo nila ang kaniyang asawa na si Sherwin at sinurpresa nila si Joan at ang mga anak nito bukod pa sa ibinigay na pangangailangan nito.

Hindi naman daw nagsisi si Joan sa kaniyang ginawang desisyon pagkat ito ay isang halimbawa ng lubos na pagmamahal ng isang ina