Bata pa lamang ay sumabak na si Lyca Gairanod sa matinding hirap sa buhay na kung saan sa murang edad niya pa lamang ay tumutulong na siya sa kaniyang mga magulang sa pagta-trabaho.

Lumaki sa mahirap na pamilya si Lyca. Ang kaniyang ama ay isang mangingisda habang ang kaniyang ina naman ay nangangalakal ng mga bote at dyaryo.

Tumutulong siya sa kaniyang ina na magpulot ng mga ito.

Tunay nga na ang talentong taglay niya sa pagkanta ang nakapag pabago ng buhay nila.

Matatandaan sa nakaraang The Voice Kids Season 1 ay tinanghal siya bilang kampyon dito. Doon nagsimula ang mga oportunidad para sa kaniya sa industriya ng showbiz.

Mula bata hanggang ngayon na siya ay dalaga na, ang 15 taong gulang na Lyca ay tila naging kakaiba.

Kapansin pansin ang kakaibang dating lalo na sa kaniyang mukha at kilay ng balat. Kung pag kukumparahin ang mga larawan niya sa noon at ngayon, masasabi mong madami nga ang nagbago.

Madami ang nagtataka at nagtatanong kung nagparetoke nga ba siya para makamit ang ganitong klase ng glow up.

Sa kaniyang inupload na video, nilinaw niya na wala siyang kahit anong ipinaayos sa kaniyang mukha at katawan. maging ang pagpapaturok upang pumuti ay hindi niya din ginawa.

“Ikini-clear ko lang, hindi po ako retokada. Kahit isa hindi po ako nagparetoke. Kahit yung turok- turok, yung nagpaputi daw ako, hindi rin” wika niya.

“Ang tawag don, huwag lalabas ng bahay para pumuti-puti lang. wala akong balak magparetoke ha”.

Ang pagbabago ng itsura ng tao ay nakadepende kung paano mo alagaan ito.

Siguro nga ay mas naging maalaga lang sa sarili si Lyca lalo pa’t lumalabas na din siya sa telebisyon at napapanuod ng marami.