Ang larawan ng isang ama at ng kaniyang anak na nakatira lamang sa isang munting kariton ay nag viral sa online.

Ang ama ay nakilala bilang si Mang Rodel Mojica na 46 taong gulang at ang kaniyang anak na si Ruben na 4 na taong gulang pa lamang na ngayon ay nakatira sa kariton na may sukat na 1×2 meter.

Ang dalawa ay ngayong naninirahan sa tabing daan sa Pasig River sa Guadalupe, Makati City.

Photo Credit: Inquirer.net

Ayon sa ibang reports, si Mang Rodel ay nawalan ng trabaho bilang mang gagawa sa isang construction company dahil sa pandemya.

Dahil sa kahirapan, wala siyang ibang nagawa kung hindi gumawa ng isang maliit na tahanan na kung saan siya at ang kaniyang anak ay makakatira hanggang sa magkaroon muli siya ng trabaho.

Photo Credit: Inquirer.net

Inamin ni Mang Rodel na siya ay kasama sa poorest of the poor na walang magagawa kung hindi kumayod ng kumayod para sa kaniyang anak.

Ang kariton na bahay ay gawa mismo ni Mang Rodel. Bagaman maliit at kaunto ang espasyo, pinag kakasiya pa din nila ang kanilang sarili sa loob.

Photo Credit: Inquirer.net

Sa loob ay may isang sisidlan na kung saan doon nila inilalagay ang kanilang mga damit. Mayroon din silang bintana para makapasok at makalanghap ng sariwang hangin.

Kahit na maliit ang kanilang bahay, sapat na iyon upang magkaroon sila ng matutuluyan lalo na kapag umuulan.

Photo Credit: Inquirer.net

Ayon kay Mang Rodel, masaya naman daw sila ng kaniyang anak sa maliit nilang tahanan. Ang tangi niyang iniisip ay kung paano niya tutustusan ang pangangailangan ng kaniyang anak.

Ayon sa report ng 24 Oras, binawian ng buhay ang asawa ni Mang Rodel dahil sa kaniyang tuberculosis kaya ang tanging naiwan sa kaniya ay si Ruben.

LOOK: A 1×2 meters pushcart has been the home of Rodel Mojica, 46, and his four-year-old son Ruben for months now after…

Posted by INQUIRER.net on Thursday, July 2, 2020

 

Ngunit pinatunayan ni Mang Rodel na kung mayroon kang pangarap na nais abutin, magtatrabaho kang mabuti para matamo ang mga iyon.

Ipinakita niya din na kahit anong mangyari, siya at ang kaniyang anak ay mananatiling magkasangga.