Kamakailan lamang ay may mga umiikot na larawan ni Sarah Geronimo na kung saan ay mayroon daw baby bumps.

Madami din ang nag- aabang kung kailan nga ba sila bubuo ng pamilya at magkakaroon ng little Sarah and little Matteo.

Bagamat may hindi pagkakaintindihan ang magulang ni Sarah ukol sa kanilang dalawa, hindi pa din maitatanggi na sila ay kasal na.

Sa isang Youtube vlog ni Matteo Guidicelli, madami ang nagulat nang nabasa ang title nito na IT’S A ____!!! Gender Reveal Kitchen Takeover.

Madami ang nag akala na ibubunyag na nga nila dito ang pag dadalang tao ni Sarah ngunit ang katunayan niyan ay isa itong Gender Reveal ng kapatid ni Matteo na si Georgia Guidicelli.

Ang focus ng content ng kaniyang vlog ay nakasaad din sa title na “Kitchen Takeover” na kung saan siya ang nag luluto para sa kanilang pagsasalu- saluhan. Una niyang ipinakita ay ang Spaghetti Alle Vongole, Grilled Lobster at Steak.

Sa huli ng video, saka sila sabay sabay nag countdown mula 10 pababa ng 0 at naireveal na ang bagong pamangkin nila Matteo ay “Girl”.

Umabot naman na sa 1,672,014 views ang naturang vlog ni Matteo malamang ay marami talagang netizens ang nag aabang sa kanilang pagbubuo ng pamilya.

Madami din ang nag komento na akala din daw nila ay sila ni Sarah ang mag-ge-gender reveal.