Isa naman ang sikat na challenge sa Instagram at Facebook na pag-upload ng mga larawan na Black and White ang kulay at sa bawat mga larawan na ito ay may caption na “challenge accepted”.

Ang nasabi ngang black and white challenge ay napakahirap iwasan o talagang mahihikayat ka din gumawa nito, dahil akhit ang mga kilalang celebrity ng Hollywood ay nakiisa sa challenge na to tulad nalang ni Jennifer Garner at Kerry Washington.

Maging dito sa atin sa Pilipinas nakiisa din ang ating mga Local artist tulad na lang nila Angel Locsin, Solenn Heusafd at Maine Mendoza.

Sa katunayan nga niyan tinatayang may 3.8 milyon ng larawan ang gumawa nito ayon sa Instagram na may gamit na hashtag #ChallengeAccepted.

Nang kami ay magtanong-tanong na ano nga ba o para saan ang mga ito. May sumagot naman sa amin na isa mismo siya sa gumawa ng challenge na ito. Ang naging kanyang sagot kung para saan ba ito ay “women building up other women”.

Ngunit ang iba ay sinasabing nagsimula ang challenge na ito dahil sa nangyari sa isang turkish women na walang kaawa-awang pin@tay ang isang 27-year-old na estudyante na si Pinar Gültekin.

#ChallengeAccepted⁣⁣People in Turkey wake up daily to see a black and white photo of a woman who has been…

Posted by Tarang Chawla on Tuesday, July 28, 2020

Ito mismo daw ang dahilan kaya lalong lumawak at dumami ang nakiisa sa challenge na ito dahil makikita ang biktima na may larawan na black and white photos sa Twitter. Mayroon naman na isang user na nagpost tungkol sa nangyari sa istudyante ayon sa twitter user na @Imaan_patel:

This was to “stand in solidarity with the women we have lost. To show tht one day, it could be their picture that is plastered across news outlets.”
#kadinasiddetehayír #isranbulsözlesmesiyasatir.

Ang naturang hashtag na ito ay ang ibig sabihin ay “Say no to vi0lence against women” and “Enforce the Istanbul convention”.

Maaring may kanya-kanya silang dahilan kung bakit nila ito ginagawa o saan ba talaga ito nagmula pero kahit ano man ang kanilang pinanggalingan iisa lang din naman ang kanilang layunin na itaguyod ang karapatan ng kababaihan.

At para sa mga gumawa o nakiisa ng challenge na ito pinapatunayan lamang nila na sila ay nakikiisa sa pagsusulong ng karapatan ng kababaihan.

Since a lot of you have been doing the B&W filter challenge, I think we are compelled to get ourselves informed of what…

Posted by Vin Cent on Tuesday, July 28, 2020