Labing siyam na taon nang nakakalipas nang unang beses nating masilayan ang F4 na talaga namang nakapagpakilig sa atin at madami ang nag nais na maging si Shan Cai.

Base sa Japanese manga series na Hana Yori Dango, ang Taiwanese na Meteor Garden ay umiikot sa apat na popular na tao, mayayamang magkakaibigan at ang bagong estudyanteng si Shan Cai na kung saan nais ipamukha sa kanila na hindi siya kagaya ng ibang estudyanteng kanilang binu-bully.

At dahil madami nga ang nakakamiss sa kanila, narito ang mga bagong itsura ng ating kinakakiligan taong 2001 pa! anon a nga baa ng naging pagbabago sa kanilang buhay at itsura ngayong kasalukuyan?

Jerry Yan bilang Dao Ming Si

Ang larawan niya kasama ang kaniyang mga anak ay isa na sa ating kinahihiligang tingnan. Matapos ang Meteor Garden, bumida naman siya sa drama na The H0spital at Down With Love. Lumabas na din ang kaniyang talento sa pagkanta at mayroon na siyang 3 successful albums

Vic Zhou bilang Hua Ze Lei

Tipikal na 37 taong gulang ngunit kung iyong titingnan ay parang hindi naman! Taong 2013 nang siya ay gumanap na isang bilanggo sa gyera ng Home at ang naging dahilan ng kaniyang pagkapanalo ng Taiwan’s Golden Bell Award for Best Actor

Vanness Wu bilang Mei Zuo

Si Vanness ay naglabas ng anim na Mandarin at dalawang Japanese Albus. At alam niyo ban a siya ay lumabas din sa Asia’s Got Talent bilang hurado noong 2015?

Ken Chu bilang Xi Men

Si Ken ay kasal na sa aktres na si Han Wen Wenin noong 2016 na hindi akalain ng madami dahil nga sa kaniyang “cassanova character”

Barbie Hsu bilang Shan Cai

Siya pala ay 41 taong gulang na at kasal sa isang Chinese Entrepreneur na si Wang Xiaofei noong 2010. Mayroon na din silang dalawang anak

Lumipas man ang panahon ngunit nananatili ang kanilang mga karakter sa mata ng madla.