Ang isang trabaho ay hindi madali lahat naman ng trabaho para kumita ng pera ay dapat paghirapan, Maraming pagsubok ang kailangan harapin.

Pero ang pagkakaroon ng isang trabaho ay malaking blessings na para sa ating pamilya maliit man o malaki ang kita ay ayos na basta marangal at walang tinatapakang tao.

Hindi masamang magsimula sa pinakababa basta wag tayong mawalan ng pag-asa at kailangan natin magpursige at maging determinado para sa ating Pangarap.

Tulad nalamang ng isang dating online seller na ito na ngayon ay isa nang successful business woman.

Siya si Rica Detiquez sa kaniyang social media account ibinahagi nito ang kanyang kwento kung paano siya nagsikap para mapagtagumpay kung anong mayroon siya ngayon.

Kwento niya na nasa kolehiyo palang daw siya ay isa na siyang online seller. Nagbebenta siya ng mga damit, liptint, grahams at kung ano ano pa.

Ang kanyang Nanay ay dati rin online seller kaya naman pinasok niya din ang pagiging “reseller” at nang makatapos siya nang pag-aaral at magkaroon ng trabaho ay patuloy pa rin siya sa pag oonline selling.

Ginawa niya lahat ang ito itinuloy niya ang kaniyang pangarap kahit pa marami siyang naririnig sa paligid niya na panget at masasama tungkol sa kaniya lahat ng iyon ay binalewala niya.

Hanggang sa nakapag-ipon siya ng pampuhunan sa kanyang cosmetic business na “Ryx Skincerity” kung saan ito na ang naging daan sakanyang tagumpay at tuluyan na ngang nagbago ang kaniyang buhay at nang kanyang pamilya.

Labis-labis naman ang Pasasalamat ni Rica sa Panginoon at sa mga taong walang sawa na tumutangkilik sa kanilang produkto at sa mga taong nagtiwala sa kaniya.

Sa ngayon ay patuloy pa din ang paglago ng kaniyang business at naglalayong na makatulong rin para sa iba na umasenso ang mga buhay.

Dagdag pa dito nakapag patayo na din si Rica ng kanilang malaki at magandang bahay para sa kanila.

Patunay lang si Rica na kapag may Pangarap ka ikaw ay wag mawawalan ng pag-asa at patuloy lang saiyong buhay basta walag tinatapakang tao ano man ang sabihin ng iba. Saludo kami sayo Rica!