Madami na ang mga hindi inaasahang pangyayari ang nangyari at mangyayari ngayong taong 2020.

Madami ang nagtatanong kung kailan nga ba matatapos ang mga problema sa ating bansa?

Ngunit, hindi lamang pand3mya, lind0l, baha, sunog o kung ano pa ýan ang talagang problema kung hindi ay ang mga taong walang pus0 at kaluluwa na walang ibang ginawa kung hindi abusuhin ang mayroon siya at patuloy na apakan ang mas nakakababa.

Isang kawawang lola ang tila namaltrat0 at napahiya ng isang abusadong barangay official na kung saan walang pakundangang itinapon sa tabing daan ang paninda hipon ng matanda.

Ayon sa mga saksi, noong una daw ay pinagbawalan siya ng opisyal na bawal mag benta doon sa pwestong iyon dahil wala siyang sariling stall. Tanging dala dala lamang niya ay ang balde at tray na lagayan ng hipon.

Nakiusap ang matanda na sana kahit noong mga oras lamang na iyon siya payagang makapag tinda pagkat wala na siyang ibang maisip pa na lugar at pag kakakitaan dahil sa kaniyang edad.

Kinakailangan niyang kumayod para lamang may kitain at may maipambili ng pagkain.

Ngunit imbis na tulungan ang matanda at bigyan ng puwestong maaaring pag bentahan, itinapon ng walang pusong opisyal ang kaniyang mga paninda upang hindi na ito makapagbentang muli.

Napahiya ang matanda sa harap ng maraming tao. bukod pa doon ay walang naiuwing pera ito galing sa kaniyang pinuhunang hipon. Walang ibang nagawa ang matanda kung hindi damputin ang mga hipon habang walang tigil ang iyak

Isa sa mga nakasaksi nito ay kinuhanan ng litrato at inupload sa social media na agad namang nag viral dahil hindi nga naman makatarungan ang ginawa sa matanda. Narito ang kaniyang caption

“Kawawa naman si lola na nagtitinda ng hipon sa gilid ng Maligas sa Dagupan, tinapon yung mga paninda nya dahil bawal daw magtinda dun, pwede naman sabihan si Lola na bawal pala dyan magtinda hindi yung itatapon nyo paninda nya, yan lang naman alam ni lola na mapapagkakitaan para mabuhay ipagkakait nyo pa! May pand3mic na nga lalo nyo pang pinahirapan si lola.”

Kawawa naman si lola na nagtitinda ng hipon sa gilid ng Maligas sa Dagupan, tinapon yung mga paninda nya dahil bawal daw…

Posted by CAVITE CONNECT on Thursday, July 16, 2020