Masakit para sa mga magulang kapag ang kanilang anak na mismo ang binabato ng mga masasakit na salita ukol sa kanilang pisikal na kaanyuan o sa kahit na saang anggulo nito. kaya naman hindi din natin masisisi ang mga magulang kapag sila ay nagalit at sagutin ang mga taong nang insult sa kanilang anak

Ganoon ang nangyari sa aktor na si Paolo Contis na kung saan ay hindi na niya napigilan ang kaniyang galit at deretsyahang sinagot ang isang follower sa social media na nanlait sa kanilang anak ni LJ Reyes na si Baby Summer

Gustong gustong ipinopost ng mag- asawang LJ at Paolo ang mga larawan at videos ng kanilang anak na si Baby Summer. Nito lamang nang nag post si LJ sa kaniyang Instagram account na kung saan nagpapakita ng iba’t ibang reaksyon ni Summer sa mga bubbles habang naliligo.

Saad ni LJ “For the past few days, Summer has been requesting for ‘Ba-ble’ kaya naman super effort ako to make bubbles. After few days of learning how to make bigger ones, natutunan ko na rin how to manipulate it! Amateur pa pero pwede na rin di ba?”

Dagdag pa niya, “Sobrang naproud ako talaga not because I was able to learn it but because napapasaya ko si Summer in small things like this! I would gladly learn more for you baby ko!”

Tinanong ni LJ ang mga netizens kung kanino ng aba nakuha ni Summer ang ganitong facial mannerism. Ngunit tila ang isang komento ng netizen na ito ay may ipinapahiwatig na hindi maganda.

“ofcourse saýo. Masyadong gwapo si Paolo po. Pasensya na but Summer didn’t get any of Paolo’s looks. Kahit sa akin, ‘di pinkish si Summer. Just saying” komento ng netizen.

Kahit na sabihin pang isa iyong opinion, hindi napigilan ni Paolo, bilang isang ama ang kaniyang galit pagkat ang anak na niya ang ininsulto.

Bukod pa doon, isang fake account ang gamit ng netizen kaya pinaghihinalaang isa itong account para mang insulto lang ng iba nang hindi nakikila ang tunay na pagkakakilanlan ng gumagawa nito.

“Tang*** kang hayop ka! Gagawa ka pa ng pekeng account makapanggulo lang ng tao!”

“insult me all you want, but not my family! magtago ka sa fake account mo pero pag nakita kita, yang mukha mo magiging bluish sa pasa hayop” galit na sagot ni Paolo sa netizen.

Nagdesisyon naman si LJ na burahin na ang komento maging ang sagot ni Paolo ukol dito.