Umiikot ngayon sa social media ang “sana all” challenge na kung saan ay may ishe-share kang post at posible nang may magpadala sa iyo ng mga pagkain.

Sinimulan ito ni Anna Carren Lanticse na kung saan ay nakatanggap siya umano ng mga pagkain mula sa kaniyang mga taga hanga matapos mag share at nag caption ng pabirong “sana all”sa post ng isang netizen na pinadalhan din ng mga pagkain galing mismo sa kaniyang mga admirers.

Nag viral ito at madami ang naniwala pagkat marami din ang nakatanggap matapos mag share ng kaparehong post at caption na “sana all”. Madami ang natuwa at tumistigo na legit nga umano ang sana all challenge.

Ngunit tila naging kabaliktaran ang naranasan ni Jefrey Son Capantoc na kung saan, sa hindi inaasahan ay may nag padeliver sa kaniya ng mga pagkain ngunit hindi pa ito bayad.

Nakakapagtaka pagkat ang orihinal na challenge ay may magpapadala sa iyo ng pagkain at ang tanging dapat mo na lamang gawin ay ang tanggapin ito dahil ito ay libre na.

Laking pagtataka ni Jefrey nang makatanggap ng text mula sa isang food rider na kung saan ay may inorder daw siyang pagkain. Kinumpirma niya kung kaniya nga iyon at sinabi ng rider na ito ay nakapangalan sa kaniya.

Naalala niya na noong mga nakaraang araw ay naki-uso din siya sa “sana all” challenge kaya ang buong akala niya ay iyon na ang pagkakataong iyon ngunit na-scam pala siya!

Makikitang ito ay mula pa sa Jollibee at hindi lang isa kung hindi napakaraming bilang ng spaghetti at burgers na siya pa mismo ang nagpaluwal dahil sa awa na baka ang rider pa ang umako ng gastusin sa ginawang prank sa kaniya.

Ibinahagi ni Jefrey ang kaniyang karanasan sa social media kung saan may caption na;

“Kung sino man ang nagpadala ng pagkain sa akin, please naman pakibayaran muna. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matuwa ba ako o manliit. Hahaha. “

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon at komento ang naturang post. Paalala lamang na huwag basta basta magbibigay ng personal na impormasyon sa publiko.

Source: Facebook