Sa mga tagumpay na ating nakamit at biyayang tinatamasa ay may hatid itong ligaya sa atin at nararapat lang na tayo ay magpasalamat sa Panginoon.

Ganito mailalarawan ang tagumpay na natamo ng mag asawang Jinkee at Manny Pacquiao sa kanilang estado sa buhay.

Kilala naman ang pamilya Pacquiao na matulungin at kahit gaano sila kayaman at kataas ay nanatiling nakatapak ang kanilang paa sa lupa.

Samantala, Ngayon nga ay usap-usapan sa social media ang Luxurious Private Beach resort na matatagpuan sa Saranggani City sa may Barangay Taluyan, Glan. Itong video na ito ay ibinahagi ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang Youtube Channel.

Ayon naman kay Jinkee, ang naturang Private Beach resort ay ang kauna-unahan nilang ipinatayong mag-asawa pitong taon na ang nakakaraan.

Dagdag pa niya na itong private beach na ito ay nahahati sa dalawang Villa kung saan ito ay nakalaan sa kanilang pamilya tuwing magbabakasyon sila sa Saranggani.

Nilinaw rin naman ni Jinkee na ito ay kanyang in-upload dahil ito ay matagal ng request ng kaniyang mga subscriber at sinabi niya rin na ito ay hindi nagyayabang tinulad niya lamang ang tanging hiling ng kanyang mga subscriber.

Sa unang bahagi ng video ipinakita ni Jinkee ang kanilang master’s bedroom na talaga naman napaka elegante sinabayan pa ng kulay asul at puti na mas lalong nagbigay ng ganda mula sa mga kagamitan nito at kurtina na makikita sa kwarto.

Ipinakita din ni Jinkee ang kanilang mga walk-in closet at bathroom at sinabi niya na madalas niya itong puntahan.

Sa labas naman ng kanilang tahanan ay makikita ang isang malaking garden na may mga berdeng halaman at makikita mo ang pagkahilig ni Jinkee sa mga halaman.

Pagtungo naman sa villa 1, makikita ang isang 2-storey na bahay na kung saan tumutuloy ang pamilya ni Jinkee.

Sa pagpapatuloy, pagpunta naman ni Jinkee sa kinaroroonan ni Senator Manny ay ipinakita nito ang kanilang munting bulwagan kung saan madalas nila itong ginagamit sa Bible Study ng pamilya.

At makikita naman sa kanilang pool area ang isang napakagandang tanawin kung saan makikita mo ang buong kagandahan ng beach resort.

Maaliwalas at sariwang hangin naman ang bubungad sayo patungo sa kanilang gazebo kung saan ito ang kanilang madalas ginagamit upang kainan ng kanilang pamilya.

Talaga naman na mamangha ka sa lugar na ito. Ito rin ay isang palatandaan o katunayan ng pagiging tagumpay. Dahil sa kanilang pagsusumikap at determinasyon sa buhay ay nakamit nila ang lahat ng ito.