Kilala ang Louis Vuitton bilang isa sa pinaka maganda at matibay na brand. Hindi rin maitatanggi na ang mga presyo na ito ay hindi din biro.

Ang kauna- unahang tindahan nito ay binuksan noong taong 1854. Nais mo bang malaman kung bakit ganoon na lamang kamahal ang kanilang mga ibinebentang produkto? At kung bakit palaging sold-out ang mga ito?

Narito ang kasagutan:

1. Ang taas na ginagastos sa pagma-manupaktura nito

 

Halimbawa, ang luxury na brand ay mag-gagawa ng mga handbags sa bansang France at umiiwas sa outsourcing manufacturing para sa mas murang lokasyon.

2. Ang lahat ng produkto ay ipinagmamalaking gawang- kamay

Photo Credit: lvbagaholic.com

Ang mga koleksyon ay gawang- kamay pa ng mga taong may karanasan at bihasa mula pa sa bansang Europe at United States gamit ang mamahaling mga materyales.

Kahit na mayroon na ngayong makabagong at modernong teknolohiya, mas pinipili pa din ng mga kumpanyang ang makaluma at ordinaryong makinang pantahi upang gawin ang kanilang mga produkto.

3. Ang mga produkto ay limited editions

Sabi nila, kahit na ang pinakamataas na kalidad ng isang produkto ay maaaring mawalan ng halaga kung magiging marami ito sa merkado.

Kaya naman ang Louis Vuitton ay nagsususpinde ng mga produksyon ng kanilang mga produkto kapag naabot na nila ang kanilang sales target.

Kadalasan, kapag ang brand ay nagkapag gagawa ng masyadong maraming produkto napipilitan silang ibenta ito sa mas mababang halaga o may discount na upang ito ay maubos.

Para makontrol ang supply, ang Louis Vuitton ay iniiwasan ang mga ganitong epekto. Sa katunayan, sila ang kaisa- isang brand sa mundo na palaging sold out ng produkto.