Dahil sa kinahaharap natin na pandemiya dulot ng C0’VID ay marami ang nawalan ng trabaho o tigil trabaho muna halos lahat ay naapektuhan maging ang mga nagtatrabaho sa showbiz industry ay apektado kaya naman ang iba talaga ay humahanap ng extra na mapagkakakitaan o sideline.

Tulad na lamang ng aktor at dating “Gwapings” member na si Eric Fructuoso ayon sa kanya “Hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin” sa panahon ngayon na may pandemic.

Dahil nga sa pagkalat ng C0’VID ay iba`t-ibang industriya ang pansamantalang natigil dahil sa quarantine protocols isa na diyan ang social distancing na ipinapatupad ng gobyerno upang mapigilan ang pagkalat ng v!rus na C0’VID.

Kabilang na rito ang entertainment industry na kinabibilangan ng aktor na si Eric Fructuoso na pinili muna raw niyang “pumasada” sa pag ta-tricycle bilang kabuhayan.

Ito ay kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account nito lang Martes, August 11.

“Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta legal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang nang tirahin!” aniya sa kanyang post.

Ayon sa kanyang mga sagot sa mga komento sa kanya sa Instagram ay naninirahan ngayon si Eric sa Naic,  Cavite. Kahit pa marami ang mga nagtataka o nagtatanong kung totoo nga ba na siya ay namamasada maramidin naman ang natutuwa at nagbibigay ng mga magagandang komento para sa aktor.

Narito ang ilang komento ng mga Netizens:

“Tama po kayo sir basta marangal na trabaho walang dapat ikahiya at saka aanhin ang kaartehan kung wala naman laman ang tiyan :)”.

“Astig yan dapat ang tularan! Proud of u Idol”

“Sa panahon po ngayon bawal na ang maarte. Tama po yan. Good father po kayo”.

Totoo man o hindi ang naturang post ng Aktor na si Eric ito ay dapat maging paalala rin para sa iba na pagdating sa trabaho dapat ay hindi maging mapamili basta wala kang tinatapakang tao at marangal ito.