Marami sa atin ngayon ang mga busy at nagkokomento tungkol sa mga balita ngayon lalong-lalo na ang ilang mga artista na hindi pag sang-ayon sa ipinapatupad o plano ng ibang pulitiko.

Samantala, ibahin niyo si Alessandra de Rossi imbis na siya ay makisawsaw sa bangayan sa social media ay tumutulong siya sa mga maliliit na nagnenegosyo online.

Ipino-promote niya ng libre ang mga produkto ng ilang online seller sa kanyang Instagram.

Sa kanyang twitter post noong July 29, nagpahiwatig siya na ang kanyang Instagram daw ay gagawin niyang parang tindahan.

“Wala akong ma tweet na fun dahil pand3mic. Yung IG ko mukhang tindahan, makatulong lang sa online sellers” pahayag ng aktres sa kanyang twitter.

Sinabi niya rin sa kanyang pahayag na mayroon online seller na sobra daw ang pasasalamat sa kanya dahil sa ginawa nito na simpleng bagay lamang.

“Kanina may tinulungan ako kahit pabankrupt na ko, sabi niya ‘Alex, hulog ka ng langit. Di ko naman inexpect pero napangiti niya ako. Hindi yun mapapalitan ng mga lait niyo sakin.”

Makikita mo sa IG account ni Alessandra na @msderossi, ang mga produkto na padala sa kanya ng ilang online seller at pinopromote niya ito ng libre. Ilan sa mga kanyang pinopromote ng libre ay coffee beans, skincare product, food at iba pa.

Dahil sa ginawa na ito ng aktres bumuhos ang suporta at magagandang komento sa kanya ng mga Netizens:

“Iloveyou @msderossi, godbless you always. Alamo ito yung artista na napaka natural totoong totoo sa mga sinasabi niya. Kahit anong mangyare support lang kami saiyo”.

“Ms. Alle kahit feel mo na bankrupt kana, God eill make sure na you’re still be blessed.”

“Napaka-buting tao naway marami ka pang matulungan at tama ka hindi mapapalitan ang mga magagandang salita o gawain na ginawa mo laban sa mga salitang galing sa mga taong hindi lubos na kilala ang pagkatao mo. Godbless you”.

At dagdag pa diyan sinabi rin ng aktress ang tungkol sa pagdedepensa niya sa kanyang kaibigan na si Joyce Bernal dahil sa mga nakuha nitong batikos sa ilang netizens dahil sa hindi pag sang-ayon ni Joyce sa naging SONA ng Presidente:

“And sorry din sa pagtatanggol ko sa mga kaibigan ko. Nahuhurt talaga ako kasi alam ko ang totoo. Ayoko sa mga naninira ng kapwa. Lalo na tong mga ito. Sorry po. Have a nice day!”

Source: TwitterInstagram,