Dito sa ating mundong ibabaw marami talagang mga pangyayari na hindi natin alam kung totoo ba ito o gawa-gawa lamang kaya naman ang iba ay talagang nanaliksi kung mayroon ba talaga itong katotohanan.

Tulad na ng isang pangyayaring ito na usap-usapan sa atin. Taong 1980’s nang mabalitaan ang isang kwentong nakakatakot daw na pangyayari sa aktres na si Alice Dixson sa isang fitting room sa may loob ng Robinson Galleria.

Ayon sa kwento-kwento, nagustuhan at natipuhan daw di umano ang aktres ng isang ‘taong ahas’ na nakatira sa mall na iyon at nakatakas lang daw ito sa halimaw na ito.

Ang sinasabing ‘taong ahas’ daw na ito ay mismong nakatira sa ilalim o basement ng Robinson Galleria.

Ito daw ay kambal umano ni Robina Gokongwei ang anak na babae ng business tycoon na si John Gokongwei. Dahil dito marami pa ang kuwento na lumabas tungkol sa isyung ito.

Lalo pang napaisip ang mga tao na totoo daw ito dahil sa biglang pag-alis naman ni Alice Dixson sa mundo ng Showbiz kahit pa panahon ng kaniyang kasikatan.

Lumabas din ang isyu na binayaran daw ng napakalaking halaga si Alice ng pamilyang Gokongwei pada lang manahimik ito tungkol sa isyu.

At kamakailan nga ay nagpost sa Instagram si Alice at sinabi niyang, ito na ang tamang panahon para tapusin na daw ang kaniyang tatlumpung taong pananahimik tungkol sa isyung ito na tungkol sa Taong ahas na nagtatago daw umano sa Robinsons Galleria.

Aniya sa kanyang post:

“Hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention. Nais ko lang linawin ang mga naganap sa Robinson’s Galleria nung dalaga pa ako.”

Sambit pa ni Alice na ipinangako niya sa isa niyang kaibigan na ibubunyag din niya ang mga pangyayari sa tamang panahon.

At lumipas na nga ang halos 30-taon kaya naman tingin niya ay ito na ang tamang panahon.

Dagdag pa ni Alice sa kanyang post ay iniimbitahan niya ang kanyang mga followers na hanggang ngayon ay curious parin sa mga nangyari sa kanya sa Robinsons Galleria na abangan ang kaniyang i-upload na-vlog sa kanyang Youtube Channel tungkol sa rebelasyon sa tunay na nangyari sa Robinsons Galleria.