Hindi maipinta ang itsura ni Sandra nang maaninag niya ang isang matandang lalaki pag bukas niya ng kanilang pint0.

Hindi siya maaaaring magkamali na iyon ng ang kaniyang ama na inakala nilang yumao na pitong taon nang nakakalipas

Sa loob ng pitong taon na iyon ay hindi na nila nakita o nakausap man lang sa telepono ang ama. Lahat ng miyembro ng pamilya ay nag- alala at gumawa ng paraan para mahanap siya.

Habang ang kaniyang ina ay iginugol na ang lahat ng oras niya sa pag iisip, pag iyak at paghahanap sa kaniyang asawa.

Unti unti nang nawalan ng pag- asa ang buong pamilya dahil wala pa ding nakakalap na impormasyon.

Inakala nilang mayroong masamang nangyari dito sa ibang bansa at ang pinaka masklap tanggapin ay baka pumanaw na ito

Pagkatapos ng lahat ay makikita ni Sandra muli ang kaniyang ama, hindi niya nagawang maging masaya ni Sandra nang makita niya ang batang lalaking kasama nito na kamukhang kamukha ng kaniyang ama.

Tila ba lahat ng katanungan na matagal na nilang hinahanapan ng kasugatan ay sa wakas nabunyag na.

Ang kanilang ama na inakalang yumao na ay nagtaksil pala sa ibang bansa at nakipag live-in sa ibang babae at nagkaroon ng ibang pamilya.

Anak, ikaw ba na “Sandra, ʼyan? Ang laki mo na” sinalubong ng malungkot na ngiti ng kaniyang ama

“Sino ka? Hindi kita kilala. Baka nagkakamali ka lang” pasigaw na sagot ni Sandra na tila may nais takasan na pag-uusap.

Tila iyon ang naging paraan niya upang takasan ang sakit na kaniyang nasaksihan at kasagutan na natuklasan nang biglang may nagsalitang

“Sandra, sino yan?” pag lingon niya ay nakatingin na ang kaniyang mama sa kaniyang matagal nang nawawalang asawa habang may namumuong mga luha sa mga mata na tila pinipigilan sa pagtulo nito ng tuluyan.

“Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, hindi kita kilala. Umalis ka na! hindi ka naming kailangan!” pinagtabuyan ni Sandra ang ama habang naaalala kung paano sila ito iniwan.

Walang nagawa ang kaniyang ama kundi umalis na lamang habang ang kaniyang ina ay patuloy na umiiyak.

Napag- alaman nilang magkakapatid na ang kanilang ama pala ay may kalaguyo sa ibang bansa noong mga panahong hinahanap nila ito at hindi malaman kung saan naroroon.

At ang dahilan ng kaniyang pag- uwi kasama ng bunga ng pagtataksil ay dahil naaksidente ang babae ng kaniyang ama at binawian ng buhay.

Wala nang kasama ang kaniyang ama kundi ang naging anak nito sa labas. Masyado na din siyang matanda upang makapagtrabaho pa kaya’t lumapit siya sa kaniyang unang pamilya para sana matulungan siya.

Nang mapag usapan iyon ng kanilang buong pamilya, ang tanging pakiusap ng kaniyang ina ay “Mga anak, tulungan niyo sila.

Walang kasalanan ang kapatid niyo. Huwag niyo siyang idamay sa galit niyo. At tungkol naman sa papa niyo, matagal ko na siyang napatawad”.

Wala nang ibang sinabi pa sila Sandra at agad namang sinunod ang utos ng ina na siyang pinaka-nasaktan sa lahat.

At doon, unti- unting tinanggap muli nila Sandra ang nagkasalang ama kasabay ng pagtanggap sa bagong miyembro ng pamilya na anak ng kaniyang ama na bagong kapatid nila.

Namayani ang pagmamahal kaysa sa sakit ng nakaraan.

Source: Inday Trending