Mayroong kumakalat na usap- usapan sa social media patungkol sa aktres na si Angelica Panganiban na di umanoý inabandona ang kaniyang matanda at may sakit na lola na kinakailangan ng matinding tulong.

Sa laki ng mundong ginagalawan ni Angelica Panganiban na industriya ng showbiz, madami ang matang nakatingin at nag mamatiyag sa kasiraan ng bawat isa dahil nga sila ay public figures.

Walang maitatago sa publiko maging ang mga personal na buhat o kahit lihim ay mabubunyag. Kagaya ngayon, si Angelica Panganiban ay kasalukuyang pinag- iinitan at patuloy na kinukwestyon.

Nagsimula ito dahil sa isang social media post na kung saan ang kaniyang tunay na lola na matanda at kailangang kailangan na talaga ng atensyon at tulong.

Ayon sa nasabing post, ang lola ni Angelica ay nakatira lamang sa maliit na Barong- Barong.

Saad ng naturang post, ang tunay na lola daw ni Angelica ay kailangang kailangan na ng tulong dahil sa kaniyang sakit at lumalalang pandemya.

Ayon pa sa nagpost, personal niyang kilala daw si “Aling Leoning”. Matagal na daw itong hindi nakakatanggap ng financial assistance mula sa aktres kaya naman ginamit ni @ChakaAkoBlog ang social media upang mag viral ito at makalikom ng tulong.

Ipinost niya din ang larawan ni Loa Leoning maging ang reseta ng doctor sa kaniya. madami ang nag nais na tumulong at magpadala ngunit saad ng netizen na wala daw Gcash si Lola Leoning kaya mas mabuting puntahan na lang ito ng personal sa Lara cor. Delpan st., San Nicolas.

Samantala, madami pa din ang hindi naniwala dito pagkat kilala daw si Angelica sa pagiging matulungin lalo na sa mga nangangailangan.

Source: Most Trending Ph