Ang pagkakaroon ng anak ay isang blessings sa mag-asawa dahil ito ang nagbibigay sa kanila ng tibay, lakas at kasiyahan sa kanilang relasyon.

Tulad na lamang ng mag-asawang Erwan Heusaff at Anne Curtis, Matatandaan na noong March 2,2020 ay isinilang ng Host at Aktres na si Anne ang kanyang napa-cute at ganda na si Baby Dahlia Amelie. Si Baby Dahlia ang nagbigay ng kulay sa mundo ng mag-asawang Erwan at Anne.

Sa mga araw nga nakakasama ni Anne ang kanyang mala-anghel na anak ay sinusulit niya ito at dinadama.

 

Talaga namang napakabilis ng araw sa bawat araw ngang dumadaan ay masaya si Anne na ibinabahagi ang mga nangyayari sa kanyang Baby Dahlia na talagang nakakatuwa ang pagbabago dito at bukod diyan marami na rin natututunan si Baby Dahlia.

Sa ngayon nga ay 5 buwan gulang na si Baby Dahlia na talagang pag nakita mo ay malaki na ang pagbabago. Sa tuwing sasapit ang birthmonth ni Baby Dahlia ay nagkakaroon ito ng DIY photoshoot kasama ang mag-asawang Erwan at Anne.

Pero ayon kay Anne ay ngayong pagsapit ng 5 months ni Baby Dahlia ay mas challenging ang pagkuha ng larawan dito dahil hindi daw tulad ng dati na tahimik lang si Baby Dahlia, ngayon nga daw ay malikot na ito at kung ano-ano ang gustong gawin habang kinukuhanan ng litrato.

Dagdag pa nga nito na mas gusto daw ata ni Baby Dahlia na sariling bersyon ng Photoshoot dahil ibat-ibang posisyon daw ang ginagawa nito.

“It was really easy to take pictures of her for the first 4 months. Now, Dahlia has her own ideas on how these photo shoots should go.” Saad ni Erwan na nahihirapan sa pagkuha ng larawan kay Baby Dahlia.

Samantala, kahit pa naging makulit at malikot si Baby Dahlia sa kanyang 5th Month ay nakuhanan naman ito ng magagandang larawan.

Sa kabila din natuwa naman ang mag-asawa dahil nakikita daw nila na talagang gusto ng mag explore sa ibat-ibang bagay ni Baby Dahlia.

“Too cool for school. Naka de kwarto pa. Happy 5rh month to our little daahling, Dahlia Amelie. It’s so hars to take a picture od her na. Ang likot”. Saad ni Anne Curtis.

Dagdag pa nga ni Anne na pagkatapos daw makuhanan ng larawan ni Baby Dahlia ay sinipa raw nito ang mga bulaklak na nasa harapan nito.

“Soon after this picture was taken, she kicked off her shoes AND SOCKS and then kicked the flower arrangement I took an hour putting together. Kulit kulit little girl.” Ayon kay Anne.

Makukit man at nagiging malikot na si Baby Dahlia ay masayang masaya naman si Anne dahil nakakasama siya ng kaniyang anak sa bawat milestone nito lalo na sa mga kakulitan nito.

“I’m so thankful to have her and all her kulitness fo brighten my days when they get gloomy. Love to bits and pieces.”