Kamakailan lamang ay usap-usapan sa social media ang isang post tungkol sa bagong modus na ginagawa umano ng mga kawatan sa mga restaurant sa lalawigan ng Laguna.

Sa Facebook post ni Rea Ramirez Florentino na isang manager sa Pancake House, kanyang kinuwento dito ang bago daw modus na ginagawa para makapanloko sa restaurant.

Ayon sa kanyang post:

“Sa lahat ng mga kaibigan ko na nasa food industry , Mag-ingat kayo sa babaeng ito. Manloloko yan! Modus niya mag order ng marami at sasabihin darating asawa niya”.

Modus daw umano ng suspek ay oorder ng maraming pagkain at kunwari ay hinihintay ang kanyang asawa at sasabihin nito na ang kanyang asawa ang magbabayad nga inorder niya.

Pagkatapos makakain ng suspek at maubos lahat ang pagkain ng kanyang inorder ay magpapanggap itong nahihilo hanggang sa pagpapanggap nito na matutumba at mawawalan ng malay.

Napag-alaman na ang suspek na ito ay ginawa umano ang modus sa dalawang restaurant sa Laguna ang isa ay dito sa Pancake House at ang isa naman ay sa Max`s.

Kinilala ang suspek sa pangalang Rozzete C, Bartoleme 24 taong gulang, siya ay inereport na sa mga awtoridad at kalaunan ay natuntundin at nakasuhan para maikulong.

Narito naman ang kabuuan Facebook Post ni Rea Ramirez Tolentino:

“Sa lahat ng kaibigan ko na nasa food industry, Mag ingat kayo sa babaeng ito. Manloloko yan! Modus nya mag order ng marami at sasabihin darating asawa nya.

Kapag nakakain na magdrama na sya na nahihilo at magtulog tulugan. Ending walang pambayad! Maxs at Pancake na nabibiktima nya.”