Patuloy pa din ang pag lobo ng mga aktibo at positibo sa mapanganib na virus na Covid- 19. Kahit naman sino ay natatakot dito pagkat ito ay isang kalaban na hindi natin nakikita na maaari tayong tamaan kahit kailan.

Ilang buwan na ding tila nakakulong sa isang kahon ang mga tao hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa iba’t ibang bansa dahil sa pandemya. Kinakailangan ng matinding sakripisyo kung nais mo pang tumagal ang buhay mo.

Naghigpit ang pamahalaan at nagpatupad ng mga patakaran lalo na nang humiling an gating mga frontliners ng “Time-Out” dahil hindi naman natin maitatanggi na sila an gating mga baguhang bayani.

Bilang isang ordinaryong mamamayan, gustuhin mo mang sumunod ngunit may mga pagkakataon talaga na kinakailangan nating lumabag lalo na’t emergency pa.

Hindi lahat ng tao ay may kasama sa bahay na mag-aalaga lalo na ang mga PWD o may karamdaman, Senior citizens at mga bata.

Ganoon na lamang ang galit ng isang netizen na si Vanessa Ignacio na kung saan inasikaso ang lahat ng kailangan upang makapunta sa kaniyang ina na hindi makalakad at walang nag aalaga ngunit siya ay tinecketan pa din

Ipinaliwanag niya ang kaniyang sitwasyon na hindi naman siya naroroon para magliwaliw kung hindi puntahan ang may sakit na ina at isa pa ay mayroon din siyang quarantine pass.

Ang isang libo sanang kaniyang ibinayad sa ticket ay para sa pambili ng ilang mga pagkain at gamot ng kaniyang ina.

Hiling niya na sana ay mayroon man lang kahit konting pang unawa ang gumawa nito sa kaniya.

“Wazzup NAVOTAS  NAVOTAAS ?? HAHAHAHAHAHA. DI PO AKO PUMASOK NG NAVOTAS PARA GUMALA MGA SIR.

PUMASOK PO AKO DYAN DAHIL KAILANGAN KO PONG BANTAYAN NANAY KO AT ASIKASUHIN DAHIL DI NGA PO SYA MAKALAKAD .

NAKIUSAP NAMAN PO AKO NG MAAYOS DIBA ? NILALAYUAN NYO PO KAMI NA PARANG MAY SAKIT KAMI . 3 DAYS NA PO AKO PABALIK BALIK DYAN .

OPO 3 DAYS NA PO BAGO AKO MATIKITAN AT WALA PONG NAG WARNING NA BAWAL PALA UNG QUARANTINE PASS KO .

YUNG 1K PO NA NASAYANG NAMIN SA PAG BABAYAD SA INYO , PAMBILI SANA YUN NG GAMOT , VITAMINS , AT PANGANGAILANGAN NG NANAY KO . NAIINTINDIHAN KO NAMAN PO NA KAILANGAN MAG HIGPIT MGA SIR .

KASO DI PO BA KATANGGAP TANGGAP UNG REASON NA INEEXPLAIN KO SA INYO ?? SHOUTOUT PO SA INYO DYAN MGA SIR AH LALONG LALO NA PO UNG NAGBABANTAY SA MAY HARANG. GOD BLESS NA LANG PO SAYO . SANA MAGKAROON KA NG AWA DYAN SA PUSO MO.”

Source: Facebook