Batang sinikap mag- enroll sa PisoNet para sa “online class”, biniyayaan ng Phone, Desktop Computer, at Printer upang makasabay sa daloy ng pag aaral

Kung imumuulat natin ang ating sarili sa realidad, tunay nga na kay saklap ng dinaranas ng iba lalo na ngayong pandemya. Madami ang nabago, madami ang ipinatupad na mga patakaran.

Hindi lamang mga selebrasyon ang naapektuhan kung hindi ang pag- aaral na ngayon ay sumasailalim na din sa “new normal”

Maaaring masabi natin na ang online classes ay magiging mas ligtas kaysa sa face- to- face na nakasanayan dahil na nga sa bayrus.

Ngunit kung iisipin natin, may mga bata at magulang na hindi kakayanin ang mga kakailanganin sa pag sasagawa nito.

Kaya nga mayroong mga pamilya na umaasa na lamang sa libreng tuition para sa kanilang mga anak. Ngunit paano na ngayon?

Ang concerned netizen na si Peter Salire De Guzman ay nagbahagi ng nakakalungkot na ingkwentro sa isang bata na nag eenroll umano sa isang piso net.

Noong una ay inakala niya dawn a naglalaro lang ang bata ngunit nang kaniyang silipin ay mayroon itong finifill- upan na form.

Nakilala ang bata bilang si Jhonel “Kokey” Agner Adarayan. Nang nakita ni Peter na malapit nang maubos ang oras ng bata, kaniya itong binigyan ng limang piso para magpatuloy at tinulungan na din upang hindi na mahirapan ang bata.

Nasaksihan ni Peter kung gaano kakapos ang bata pagkat base sa kaniyang form,

* No Budget for Internet and Data Allowance

* No Mobile Phone, PC or Tablet

* Parents are at home with no Work due to Quarantine.

* Grade 7

Nalungkot si Peter sa kalagayan ng bata ngunit bilib siya dito pagkat kahit wala silang pera pambili ng gadgets at pampakabit ng internet ay sinikap pa din nitong mag- enroll.

Kaya naman bilang tulong ni Peter, humingi siya ng tulong sa netizens gamit ang kaniyang social media account hindi lang para kay Kokey kung hindi para sa mga batang kagaya niya na walang kakayanang makipag sabayan sa online learning.

Hindi nabigo si Peter nag viral ito.

Tunay nga na kay buti ng Diyos, biniyayaan niya ang batang ito ng mga taong nais mag donate ng Phone, Desktop Computer, at Printer para kay Kokey.