Dahil sa pand3mic, ang face- to- face learning na tinatawag ay sinuspende sa Pilipinas at ibang bansa sa buong mundo.

Ang Department of Education o DepEd at ang Commission on Higher Education o CHEd ay inimplimenta ang online classes o blended learning sa taong ito.

Dahil na nga ilan sa parte ng Pilipinas ay walang reliable internect connection at madami ding mga estudyante ang walang kakayanan para mamili ng mga gadgets para sa online, naging malaking usapin ang pagpapatupad ng online class.

Ang Facebook page na VinCentiments ay nag post ng isang skit ukol sa online classes, ito ay para ipakita ang mga damdamin ng mga estudyante sa hirap na kanilang dinaranas sa online classes.

Mapapanood doon na may estudyanteng nagtutukoy tungkol sa pambansang bayani na si Jose Rizal nang biglang may nang-abala nito habang nagsasalita at posible nga naman iyong mangyari tuwing online class dahil home based ito.

Sa kabilang banda, ang nanay ng isang estudyante ay nag-utos naman sa kaniyang anak na bumili ng gatas sa tindahan ngunit ang estudyante ay nag-reklamo at sinabing siya ay nasa kalagitnaan ng online class.

Ipinaalala naman ng kaniyang ina na ang laptop na kaniyang ginagamit para sa eskwela ay katas ng pagbebenta ng mango shake nila.

Mayroon ding punto na ang estudyante ay nag-aalaga naman ng sanggol at kinailangan pang sigawan ang kapit bahay pagkat ito ay ubod ng ingay. Nang magalit na ang guro, sabay naman ding tumungayaw ang estudyante sa kanilang guro.

Mababasa sa mga komento ang mga galit ng mga guro dahil sa naturang content na tila nakakaapak nga naman ng katayuan bilang isang tagapag turo.

Matatandaang mayroon din silang naging skit na pinamagatang “terror teacher”. Madami din ang hindi natutuwa ang marami sa ilang content nito kagaya na lamang ng “The Cousins” na patungkol sa pagkakaroon ng romantikong relasyon sa pagitan ng magkamag- anak

Komento ng ilan, huwag daw sisihin ang mga guro sa ipinatupad na online classes at hindi daw sila dapat itrato ng ganoon dahil sumusunod lang sila sa may mga kapangyarihan. Sa katunayan, ang estudyante ay may pag pipilian. Maaaring mag enroll o hindi. Samantala ang mga guro, kinakailangan nilang gawin ang kanilang responsibilidad kahit na gaano pa ito kahirap.

Nagalit din ang iba dahil ginamit pa sa skit an gating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

KPL | ONLINE CLASS

KPL | ONLINE CLASSYt Link: https://youtu.be/bhL3k15-I_0Written by Darryl YapDirection, Cinematography & Editing by Vincent L. AsisStarring Loren Montemayor MarinasNARITO NA ANG MGA NAKALAP NA HINAING NG MGA NAGOONLINE CLASS!!!#OnlineClass #AcademicFreeze #KPL #Lag #OnlineLearning #OnlineSelling #JoseRizal #Finished #Warshock #Freeze #FEE #FEEdiba #Pindot #SHAGGYDEE

Posted by VinCentiments on Friday, August 7, 2020