Guard na, Guro pa: Body Guard ng isang pawnshop, taos pusong tinuturuan ang mga batang kalye na magbasa at magsulat.

Hindi maitatanggi na napaka daming naapektuhan ng pandemyang kinakaharap natin sa ngayon. Trabaho, negosyo at pag- aaral. Ngunit sa kabila noon, kinakailangan nating magpatuloy sa ating paglalakad sa riyalidad.

Nagbukas nang muli ang mga negosyo, nagtrabaho ang mga empleyado at ilang araw na lamang ay ipagpapatuloy na din ang klase.

Kasama sa ating tinatawag na “New Normal” ay ang pag- aaral lamang sa bahay na kung saan hindi kinakailangan ng face- to- face at personal na interaksyon sa kapwa estudyante at guro.

 

Ipinatupad ang mga blended learning at online learning na kung saan aminado naman ang ilan sa atin na hindi talaga ito makakayanan ng iba. Ang pagbili ng gadgets ay hindi din biro maging ang internet ay mahirap masagap.

Sa kabilang banda, mayroon naman ding tinatawag na modular na kung saan magbibigay ng kopya ang paaralan sa kanilang mga estudyante upang ito ay pag- aralan at sagutan. Ngunit ang problema, paano kung wala namang magtuturo at gagabay sa kanila.

Ganoon na lamang ang ipinamalas ng isang security guard sa na nakaduty sa Palawan Pawnshop sa Arellano University na kung saan makikitang tinuturuan niyang magbasa at magsulat ang mga batang kalye.

Ang mga larawan ay ipinost ni John Robert Forbes na kung saan siya mismo ang nakasaksi sa ginagawang kabutihang loob ng guard sa mga bata kahit pa hindi niya ito kadugo. Samantala, hindi naman naitala kung ano ang pangalan ng guard.

Narito ang buong caption ni John

LATE POST

napadaan kami sa palawan pawnshop sa arellano university. And spotted si kuyang security guard na tinuturuan nyang magbasa at magsulat yung bata. I salute you kuyang sg sana patuloy ka parin bigyan ng blessings ni Lord dahil sa mabuting at busilak kang puso para matulungan ang batang yan.

Ang post ay umabot na sa 1.8K Likes, 41 Comments, 1.3K Shares