Likas sa tao ang pagiging maunawain at maawain. Kaya naman hindi maiiwasan na kahit hindi natin kadug0 o miyembro ng pamilya ay atin itong tinutulungan lalo na at ating masasaksihan kung gaano ang kahirap ang kanilang buhay na pinagdadaanan.

Dito sa ating bansa, talamak ang mga tao na hindi na talaga makaahon. Tanging pamamasura, pagtitinda sa kalsada at pamamalimos ang pinagkukuhanan ng pera.

Madami ding walang mauwiang tahanan at walang makain kahit na laman tiyan lamang.

Kay buti ng Diyos dahil mayroong mga tao na nagsisilbing anghel para makatulong sa mga nasa laylayan kahit na sa maliit na pamamaraan lamang. Kagaya na lamang ng ipinost sa social media ng netizen na si Alexiefe Sulit Cataquiz.

Isang ginang ang hindi nag atubiling tumulong sa mag- amang namamalimos, iniiwasan at pinandidirihan ng tao. Kwento niya, pansin daw ng Ginang na gutom na gutom ang mag- ama dahil sa malayo pa ito nanggaling.

Naglakad dahil walang pamasahe maging pangkain.

“Sya po yung tumulong sa mag-ama na nagugutom, may nakita syang namamalimos sa labas ng Jollibee, yung iba umiiwas, yung iba naman pinagtatabuyan sila dahil sa itsura nila, gutom na gutom daw po itong mag-ama dahil malayo pa ang pinanggalingan nila naglakad lang sila dahil walang pamasahe”

Dahil dito, nagdesisyon itong papasukin sa fast food chain na Jollibee para bilhan ng pagkain ang dalawa.

Hindi lamang iyon kung hindi itinurin na parang ordinaryong tao na hindi dapat pandirihan at binigyan ng kaunting tulong na pera para makauwi.

“Itong si ate naawa kaya pinapasok nya sa Jollibee, inorderan ng pagkain, inasikaso at binigyan pa ng konting pera pamasahe,”

Sa kabutihang ginawa ng hindi kilalang ginang, tanging lubis na pasasalamat lang ang naibalik ng mag- ama. Hiling ni Alexiefe at ng iba pang netizens na nakabasa, nawa ay ibalik ng Diyos ng higit pa ang kabutihang kaniyang ginawa sa mag- ama.

“Labis ang pasasalamat ni tatay kay ate dahil sa pagmamalasakit at kabutihang ginawa sa kanila.. Kung sino man po itong ginang na ito, saludo kami sa’yo! nawa’y pagpalain ka ng Poong may Kapal..”

Posted by Alexiefe Sulit Cataquiz on Tuesday, March 5, 2019