Gawain ng mga bata ang magpabili ng ung ano- anong kanilang nagugustuhan. Ganoon din naman ang mga magulang sa kanilang anak na nagnanais maibigay ang mga kagustuhan ng mga ito.

Ngunit sa pandemyang nararanasan natin ngayon ay hindi tayo makapamasyal at makapamili kagaya ng Gawain natin dati.

Mabuti na lamang at mayroong mga online store, app, food delivery at iba pa na naglalayong maihatid sa atin ang mga bagay na nais nating mabili kahit pa nasa bahay loob lang tayo ng bahay

Ang mga bata ay likas na maligalig at hindi alam ang kanilang ginagawa. Kagaya na lamang ng 5 taong gulang na anak ng netizen na si Cassandra Nichole Alegre na kung saan makikita sa mga screen shot ng kaniyang shopee cart ay may laman na mga items na hindi biro ang presyo.

Dagdag pa niya, mayroon na daw mga orders na on the way at idedeliver na sa kanila. Ang walang kamalay- malay na ina ay kinakailangan ngayong maghanda ng pera pambayad sa mga items na hindi na pwedeng mai- cancel pa.

“Di na pati macacancel ta otw na ang para deliver. Paparanuhon ko daw ni. Ay tlgang makukurot kita Yves. Ay tlga nanggigigil ako.”

Mabuti na lamang at maaga aga nang matuklasan ito kung hindi ay baka mai- check out pa ang ibang libo- libong halaga ng gadgets, mamahaling laruan, mga original na sapatos at iba pa.

Ayon sa kaniya, talagang nawala ang kaniyang antok sa kaniyang mga nakita.

“At tumigil ang mundo ko ng buksan ko ang shoppee account ng anak kong 5 years old,”

Samantala, madami naman ding netizens ang natawa sa pangyayaring ito.