’’Our beloved Emman Nimedez joined our Creator at 1:00am today, August 16, 2020, Sunday. He was with his family during the time of his passing at St. Luke’s Medical Center – Quezon City.

Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support.

Funeral details will be announced in the next days. We hope everyone will respect the family’s privacy to mourn the passing of Emman. Thank you.

 

– Peachy Santos’’

Ito ang post at kompirmasyon para sa lahat na ang iniidolong Youtube Vlogger na si Emman Nimedez ay sumalangit na.

Umabot ito ng 1.1 million reactions na halatang madami ang nadurog sa kaniyang pagkawala mapasuporter, subscribers, pamilya at mga malalapit na kaibigan na labis ding naapektuhan.

Nag viral din ang post na screenshot ni Viy Cortez na kung saan ipinapahayag doon na hindi pa mailabas ang katawan ni Emman sa ospital dahil sa remaining balance na higit 2 million pa.

Kaya nagtulong tulong ang kaniyang mga kaibigan sa paglikom ng pera sa pamamagitan ng pag gawa ng videos para kay Emman at ang buong kikitain non ay ibibigay sa pamilya nito bilang tulong sa lahat ng gastos.

At bilang suporta at tulong ng fans, nangako ang mga ito na hindi mag skip ng ads para mayroong kitain ang videos.

Isa na diyan ay si King Badger o Jon Gutierrez na kung saan nag upload din ng video sa Youtube upang gumawa ng reaction video nila ni Emman mula noong sila ay magkakilala noong 2014 at kauna- unahang collaboration noong 2015.

Nagsisilbi din itong tribute niya para sa nawalang kaibigan.

Ayon sa kaniya, hindi pa din daw niya matanggap ang biglaang pagkawala ng kaibigan. Masyadong mabilis at napaka aga pa para magpaalam.

Kwento niya, noon pa man daw ay talagang talento na ni Emman ang pagpapatawa sa mga tao kahit pa noon na wala silang kinikita, sinasahod at nasa bottom list pa lang ng mga Youtubers.

Ang mahalaga ay nakapagpapasaya ito ng tao at nag-e-enjoy.

Pinanood ni Jon ang kanilang mga nakakatawang Collab Vine videos noon.

Hindi maitatanggi na nakakatawa nga ang mga ginaganapan ni Emman sa bawat video ngunit sa kabila nito, bigla na lamang kinilabutan si Jon nang mapansin ang tila isang pahiwatig ni Emman.

Pansin niyang sa kada matatapos ang nakakatawang video, palagi na lamang binabawian ng buhay si Emman mapa collab man sa kaniya o sa iba pang Viners.

“Lagi siyang hinihimatay, namamatay…” paluhang saad ni Jon.