Kung mayroon tayong KathNiel ngayon, mayroon din naman tayong tambalang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo noon. Taong 2004 nang magsimula ang tambalang ito sa teleseryeng “Kristala”.

Maging sa mga pelikula ay patok na patok at kinakikiligan ang kanilang tambalan dahil sa mala natural na dating nito.

Taong 2009 nang mag desisyon ang dalawa na magkaroon ng pribadong kasal sa San Juan de Nepomuceno Church. Tinanggap ni Ryan ang adopted child nitong si Yohan at kinalaunan ay biniyayaan naman din sila ng isa pang anak na si Lucho.

Si Lucho ay ang kaisa- isang anak na lalaki nina Judy at Ryan. Kitang kita na isa itong napaka gwapong bata na hindi malabong maging sikat at maging heartthrob kapag siya ay naging ganap nang binata.

Kahit saang anggulo mo tingnan ay tila perpekto ang kaniyang hitsura. May matangos na ilong, kissable lips at mala mata ni Daniel Padilla.

Ayon din sa iba, mayroon silang pagkakahawig o pagkakahalintulad ng sikat na artistang si Daniel Padilla.

Madalas mag post sila Judy at Ryan ng mga larawan ng kanilang mga anak sa kanilang social media kaya naman tuwang tuwa ang mga netizens sa tuwing nasisilayan nila ang ganito kagwapong bata.

Hindi na daw nakapag tataka kung ito ay susunod sa yapak ng kaniyang mga magulang at magiging matagumpay at kinakikiligang artista.

Gayon pa man, ayon sa kaniyang mga magulang, isa lang din naman pangkaraniwang bata si Lucho. Mahilig maglaro ng video games o kahit sports.

Inaasahan din ng madami ang pagsunod ni Lucho sa yapak ni Daniel Padilla bilang idolo lalo na ng mga babae.