Kay sarap magkaroon ng isang tunay na kaibigan na kung saan ay handa kang tulungan sa tuwing ikaw ay nagigipit na. Hindi na biro ang buhay natin sa kasalukuyan dahil sa totoo lang, kinakailangan talaga kinabukasan.

Ang buhay ay hindi patas. Mayroong mga nakakaangat at mayroon naman din sa laylayan. Ngunit para saan pa ng aba ang pagkakaibigan kung hinfdi tayo magtutulungan?

Walang masama sa paghingi ng tulong ngunit sana naman ay marunong tayong mahiya at ilugar ang ating mga sarili. Una’t sa lahat, tayo ang nanghihingi kaya’t dapat marunong tayong maghintay at magpakumbaba.

Narito ang isang post mula sa asawa ng isang seaman na si Ghelay Rangasajo Pelonia kung saan tila nagpupumilit ang kaniyang kaibigan na siya ay padalhan na ng pera.

Makikitang tinadtad na ito ng mga mensaheng pangungilit ukol sa tulong na ipapadala para sa pang gatas daw ng kaniyang anak.

Marahil nangangailangan nga ang lalaki pagkat tayo ay dumadanas ng pandemya ngayon ngunit ayon kay Ghelay, wala pa man ang araw na pinag usapan ay nangungulit na ito.

“I think 2nd week pa lang ng june or 3rd nangungulit ka na kahit sinabihan ka na ng date gusto mo agad agad. Kaya naman di ka napag bigyan paulit ulit mo lang din sinasabi sakin/samin na check up ng anak mo walang gatas gamot ilang linggo mo din yan inulit ulit samin.”

Ngunit nang hindi mapagbigyan ang lalaki, tila sinumpa ang kaniyang kaibigan na seaman na sana daw ay lumubog ang sinasakyan nitong barko.

Lumalabas na parang pera lamang ang habol ng lalaki pagkat tinanong ni Ghelay kung ano ang gatas ng kaniyang anak at ilang taon ito upang sila na lamang ang bumili at balak pa sana nilang dadagdagan pa ng iba pang pangangailangan.

“Nag tanong ako kung ano milk ng baby mo at kung ilang taon na gusto ko sana padalan ng ng mas needs ng anak mo kesa pera pero ano sabi mo sakin pera na lang.”

Sa kabila ng lahat, mas minabuti na lamang ni Ghelay na ipagpasa-Diyos na lang ang lalaki at ang pamilya nito.