Usap-usapan sa social media ngayon ang kabutihang ginawa ng isang Crew ng sikat na fastfood restaurant matapos nitong tulungan na bigyan ng libreng pagkain ang isang matanda na tanging ang pagkain lamang ay kanin at tubig.

Ang naturang pangyayari ay ibinahagi ng isang Netizens na nagngangalang Earl Achievan Calixtro ikinuwento niya ang kamangha-mangha na ginawa ng isang crew na ito na nagtatrabaho sa isang branch ng McDonalds sa Pampanga.

Humanga ang ating Netizens na ito sa ginawang kabutihan ng isang crew sa matandang lalaki. Ayon pa sa Netizen napansin niya agad ang matanda habang ito ay papasok sa naturang fastfood halata sito na gutom na gutom at may kasamang pagod.

Naupo pa nga raw sa malapit sa kanya ang matanda at laking gulat niya na ang inorder lamang nito ay tanging kanin lamang at humingi ng isang basong tubig.

Nang makita ito ng ating Netizen na ito at hindi din siya nagdalawang isio ns tulungan ang matandang lalaki at siya ay lumapit at tinanong kung gusto pa nito ng makakain.

Sagot daw sa kanya ng matanda ay wala daw siyang pera na pambili pa ng pagkain kaya tanging kanin at tubig lang ang jaya niya para daw mapawi ang gutom sa kanyang sikmura..

Laking tuwa naman ng Netizen na si Earl na mayroon ng pagkain ang matanda bukod sa kanin.

Ayon dito ay pag alis pala niya ay binigyan ng isang crew ang matandang lalaki ng pagkain na makakain nito.

Kaya naman ang kanyan biniling pagkain para sa matanda ay kanyang ipinabaon nalamang dito. Bukod diyan ay sinaluduhan din ni Earl ang mga staff at crew ng McDonalds San Fernando dahil sa kabutihang ginawa nila para sa matanda.

Samantala, ayon naman sa matandang Lalaki ay taga Tacloban daw siya talaga lumuwas siya dito sa Pampanga para magtrabaho at magbakasali na makaraos sa hirap sa kasamaang palad ay inabutan at nagkataon na ang lahat ay nahaharap ngayon sa krisis dala ng pandemiya na C0’VID.

Sa pagtatapos naman ng kanyang salaysay ay ayon kay Earl kahit sa panahon na tayo ay may kinakaharap na problema ay hindi parin nawawala ang may mga mabuting puso na tumutulong sa ating kababayan na kapos-palad.