Nakaraan nga lamang ay bumalik na naman ang ibang lugar sa Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) ibig-sabihin lamang nito ay marami na naman ang trabaho at mga empleyado ang naapektuhan nito.

Kaya naman ang iba na nawalan nanaman o natigil na naman sa pagtatrabaho ay todo-diskarte ang iba nga kahit labag sa kanilang kalooban para lamang may makain ang kanilang pamilya ay nagagawang manlimos o manghingi.

Pero hindi ang lahat ay umabot sa panghihingi. Tulad na lang ng isang lalaki na lumapit kay Francis Jun isang concern netizen.

Ayon sa kwento ni Jun sa social media lumapit daw sa kanya ang isang lalaki na akala niya nung una ito ay bibili ngunit iba pala ang pakay nito.

Tinanong daw nito si Jun na kung pwede daw ba niya linisin ang kanal nila Kim para lang daw may maiuwi siyang pagkain para sa kanyang pamilya dahil wala raw siyang trabaho dahil sa MECQ.

Nung una daw ay hindi dapat papayag si Jun dahil siya mismo ang gumagawa ng paglilinis sa kanilang kanal pero dahil sa awa nito sa Lalaki kalaunan ay pumayag na ito.

Nanawagan din naman si Jun para sa mga mabuting puso na gustong tumulong para sa Lalaking lumapit sa kanya:

“Kaya kung makaabot sa inyo si Kuya at makiusap, sana pagbigyan nyo na para makatulong naman, Hindi siguro gagawin yan kung di lang talaga kailangan. Kayo na bahala sa kanya”. ayon sa kanyang post.

Ayon naman kay Jun aminado siya na siya ay gipit din ngunit nakita niya na mas kailangan daw ni Kuya ng tulong.

Dahil sa post na ito ni Jun ay marami ang mga netizens na sa kanya ay humanga at binigyan siya ng papuri.

“Godbless sayo sir, Sana ay marami pa ang katulad mo sa kabila ng hirap na ating kinahaharap ay hindi parin nakakalimot ang tumulong sa kapwa lalo na sa mga lubos na nangangailangan” komento ng isang netizens.

Samantala dahil din sa post na ito ni Jun ay maraming mga netizens ang gustong makatulong sa Lalaking lumapit kay Jun para maglinis ng kanal:

“Sir Jun san po location niyo? Taga saan po si Kuya? Saan siya pwede ma contact Im willing to give little help po for him”

“Pwede po bang malaman kung taga saan si Kuya. Para matulungan po kahit papaano. Salute naman sayo sir Jun”.

Ngunit pahabol ni Jun ay hindi daw niya naitanong ang pangalan ni Kuya na humingi ng tulong sa kanya.

“Salamat po pagpuri, Mali din po ako kasi po hindi ko siya natanong kung taga-saan at kung ano name niya. May kagawad ng bayad na gustong magpaabot ng tulong pero mali ko hindi ko naitanong info niya. Iniisip ko kasi na baka mahiya siya”. Dagdag pa ni Francis Jun.

Kahit pa hindi nalaman ang pangalan ni Kuya ang mahalaga ay naging halimbawa si kuya ng pagiging madiskarte sa panahon ngayon na may kinahaharap tayong krisis.