Agaw pansin ang isang matandang nagtitinda at naghahanapbuhay kahit pa may kapansanan at bukod dito palage pa siyang sinasalisihan sa kanyang mga paninda.

Siya si Aunt Nid 71 taong gulang, Hanggang ngayon sa kanyang edad ay naghahanap buhay si Aunt Nid para sa kanyang pangangailangan sa araw-araw.

Sa isang Facebook page na may pangalan na “I AM EAT” makikita ang larawan ni Nanay Aunt na isang bulag na kung saan ay nagtitinda parin at bukod dito ay wala man lang siyang kasamang kaibigan o kamag-anak na maaring umalalay sa kanya.

Samantala, kahit ganito ang kalagayan ni Nanay Aunt at may kapansanan ay nanatili siyang positibo sa buhay para siya ay makaipon.

Si Nanay Aunt ay galing sa lugar ng Bangkok, Dahil walang kasama sa buhay ay magisa niyang binubuhat at dinadala ang kanyang mga panindang ibinebenta.

Nagsisimula mag tinda si Nanay Aunt mula alas 7 ng umaga, mabuti nalamang ay minsan ay mayroong mga mabubuting tao na tumutulong sa pagdadala sa kanya ng mga panininda at kapag sapit naman ng alas kwatro ay kadalasan na ubos na ang lahat ng kanyang paninda.

Subalit kung mayroong mabubuting tao ay sadaya naman talagang may mga taong mapang-abuso tulad na lang ng ibang taong walang puso na nanloloko kay Nanay Aunt na minsan ay nagnanakaw sa kanyang paninda at minsan naman ay papel ang binabayad ng mga ito para manloko.

Ngunit kahit ganon ang ginagawa nila kay Nanay Aunt ay nanatili itong positibo at masaya sa buhay kahit ganon ang ginagawa sa kanya ay okay lang at patuloy lamang siya sa pagtitinda.

Bukod dito ay sobrang bait talaga ni Nanay Aunt dahil madalas pa nga niyang binababaan ang presyo ng kanyang paninda upang makabili ang mga taong kulang ang pera at para din makatulong sa mga taong sapat lang ang pambili ng pagkain.

Dahil dito marami ang mga netizens na humanga kay Nanay aunt dahil sa kabila ng kapansan nito ay masaya parin siya sa kanyang buhay sa pagtitinda ng tinapay.