Dahil ngayong nay kinahaharap tayong pand3miya at namumuhay tayo ngayon na kung tawagin ay new normal.

Kaya naman mapapansin natin sa mga kalsada na bawas na bawas ang mga papublikong sasakyan at karamihan ay mga naka-bisekleta.

Samantala para naman sa mga nagtitinda at nagnenegosyo ng bisekleta ay talagang malakas ang kita ngayon.

Sa kabilang banda naman para naman sa mga nagba-bike ay malaking tulong din ito sa kanila bukod sa nakakapag ehersisyo sila ay nakakatipid pa sa pamasahe.

Ngunit hindi naman lahat ay kayang makabili ng bisekleta dahil ang iba ay sapat lang ang kanilang kita sa araw-araw para lang maitawid sa gutom ang pamilya.

Kamaikailan lang ay usap-usapan ang isang kwento ng Lolo na ipinost na video sa Facebook Page na CARBS.

Lage raw kasing dumadaan ang matanda sa kanilang tindahan ng bisekleta at palagi nitong tinatanong kung may available na bisekleta.

Sa isang araw daw ay dalawang beses kujg dumaan si Lolo sa umaga bago ito umalis at sa hapon bago raw ito umalis.

At nito ngang weekend ay nagkaroon ng mini MTB sa bikeshop. Araw-araw ring nagtatanong si Lolo kung maari daw niya itong mabili sa halagang P2,000.

Ngunit ayon sa may-ari ng shop ay hindi kaya ibigay ng ganong presyo ang bisekleta.

Bumalik si Lolo kinabukasan sa shop ay muling tinanong kung puwede niyang mabili ang bisekleta sa parehong halaga na sinabi niya na P2,000, at sa pagkakataon na iyon ay hindi raw nabigo si Lolo.

Kung makikita niyo sa Video kausap ni Lolo ang may-ari ng bikeshop at maya-maya pa nga ay nag-abot ng bayad si Lolo at ang hinihingi lang nito ay resibo, subalit laking gulat ni Lolo na ibinalik ng may-ari ang kanyang binayad sa bisekleta.

Sambit pa raw ng may-ari kay Lolo ay: “Kunin mo na’ yan regalo na namin sa iyo.”

Sobra naman ang pasasalamat ni Lolo sa may-ari, napag-alaman din namin na si Lolo ay araw-araw naglalakad mula Nichols patungong Makati para magbenta ng kendi.

Dahil sa ginawa na ito ng may-ari ng bikeshop umani ito ng magagandang komento mula sa nga Netizens:

“Sobrang nakaka Goodvibes talaga kapag ganito ang bubungad sa umaga mo, godbless sainyon mam sana ay marami pa kayong matulungan at lalong lumaki ang inyong negosyo. At sayo Lolo ingat palage Goodhealth always”.

“Saludo sayo Mam! Grabe tuwang tuwa si Tatay. Para sa iba napaka maliit na bagay pero para sa amin sobrang laking tulong niyan naway magkaroon kayo palage ng malakas na pangangatawan at dumami pa sana ang katulad niyo na may mabubuting puso”.

CARBS

Paying it ForwardEto po si Tatay araw araw po sya dumadaan sa shop para magtanong kung meron ba bike na available mula pa May 15 hangang kahapon, 2 beses isang araw, isa sa umaga bago umalis at dadaan ulit sa hapon bago umuwi.Last week po naging available ang mini MTB sa shop at araw araw nya din po tinatanong kung pwede po ba nya bilhin ung bike sa halagang 2,000, kahapon ako po mismo ang napagtanungan nya. tinanong nya ako kung pwede nya bilhin ng 2,000 ung bike at ang sabi ko po ay hindi po kaya, nalaman ko po na araw araw po ayun ang tinatanong nya sa aming staff.ngayon umaga dumaan ulit sya para tanungin kung pwede po nya bilhin ung bike ng 2.000, ngayong araw na ito ndi po sya nabigo. nakuha nya po ung bike na gusto nya sa KAPALIT isang NGITI po lamang.Si Tatay daw po ay araw araw naglalakad papuntang Makati galing Nichols para magbenta ng kendi.Tatay. Ride Safe po…

Posted by CARBS Motor/Bicycle Parts on Tuesday, June 2, 2020