Lahat ay gagawin ng magulang para lang sa kanilang mga anak, maging ang mga Lola at Lolo ay makakaya ang lahat makita lang nilang hindi nahihirapan ang kanilang mahal sa buhay kahit matanda na sila.

Tulad nalang ng isang Lolo na ito na habang nagtatrabaho sa bukid ay pasan pasan ang isang basket kung saan naroon ang kaniyang apo.

Siya ay si Lolo Juanito Lintapan may edad na 75 taong gulang, para kay Lolo Juanito napakahirap ng buhay dahil hindi man lang siya nakapag-aral kaya naman hinihiling niya at pangarap niya ay huwag maranasan ito ng kanyang apo.

Tanging dasal din niya na sana ay makapag-aral ang kaniyang apo para magkaroon ito ng magandang kinabukasan.

Ang kuwento na ito ni Lolo Juanito ay ipinalabas sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), Ayon kay Lolo Juanito baliwala sa kanya ang hirap at pagod sa pagbitbit sa kanyang apo na nasa basket sa kaniyang likod habang nagtatrabaho basta makita niyang masaya at ligtas ito ay napapawi ang lahat ng hirap.

Dagdag pa ni Lolo Juanito ay sa tuwing iiwan niya kasi ang apo sa kanilang bahay ito ay walang tigil sa pag-iyak na hindi naman matiis at makayang tignan ni Lolo, kaya napagdesisyunan niyang isama ito at buhatin habang nagtatrabaho.

“Pinapasan ko ‘yung apo ko kasi naaawa ako sa kanya dahil iyak nang iyak. Kaya ginamit ko ang basket na bukag”. Pahayag ni Lolo Juanito.
“Ang hirap nang hindi nakapag-aral. Hindi ako marunong magbasa o magsulat.

Tumanda lang ako, walang nagbago sa aking pamumuhay. Hanggang 2,000 lang aking alam bilangin. Kaya sabi ko sa apo ko, ‘Ikaw kapag lumaki ka na, pagsikapan mo na makapagaral. Para walang mangmamaliit sayo at may sarili kang pag-iisip.”

Sa ngayon ay sobrang bata pa ng kanyang apo at mura pa ang pag-iisip nito.

Sana ay pagdating ng panahon ay maintindihan niya ang lahat ng ito at maging inspirasyon sana sa kanya ang kanyang lolo para matupad ang kanilang pangarap, at para magpursige ito sa kanilang buhay at makaraos sa hirap.

Para naman kay Lolo Juanito, saludo po kami sayo Lolo naway bigyan ka ng mahal na Panginoon ng mahaba habang-buhay para magabayan mo ang iyong apo. Godbless you Lolo Juanito.

LOLO MULA DAVAO DEL NORTE, PASAN-PASAN ANG APO AT SINASAMA SA PAGSASAKA

LOLO MULA DAVAO DEL NORTE, PASAN-PASAN ANG APO AT SINASAMA SA PAGSASAKADelikado man para sa mga senior citizen tulad ni Lolo Juanito ang lumabas ngayong may pandemya, kayod-kalabaw pa rin siya. Wala raw kasi siyang ibang inaasahan sa pambili ng gatas ng kanyang apo sa tuhod. Nagsusumikap siya dahil ang pangarap niya para sa musmos… ang makapagtapos ng pag-aaral. Panoorin ang video.Para sa mga nais tumulong, maaaring magdeposito sa:BDO Network BankAccount name: Juanito LintapanAccount number: 040810082748Mobile number: 0912163 2328

Posted by Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Sunday, August 2, 2020