Simula nang lumaganap ang virus na C0’VID, walang nag akala na tatagal ito nga ganito kahabang panahon na kung saan hindi lamang China ang napinsala kung hindi ang iba’t ibang bansa.

Hindi naging madali para sa lahat ang harapin ang katotohanan na hindi talaga natin kakayaning kalabanin ang mapanganib na virus pagkat hindi ito nakikita.

Tanging gamot at bakuna lamang ang tanging paraan upang maagapan ang lahat ng ito. Ngunit sa ngayon, kinakailangan ng matinding pag- iingat, disiplina at pagsunod sa mga ipinapatupad na patakaran.

Noon ay inakala nating mga selebrasyon lamang ang tatamaan ng C0’VID ngunit ngayon ay panahon na nang pasukan kung saan maging pag- aaral ng mga bata ay napinsala.

Dahil hindi pa din bumababa ang mga positibo at patuloy pa din ang paglaganap ng virus, ipinatupad ang “online class” na kung saan pinaniniwalaan na kapag isinagawa ito ay mareresolba ang problema sa pag- aaral.

Ngunit ang pamamaraan na ito ay kinakailangan ng mga gadgets at device. Maaaring pumayag ang mga may kakayanan sa buhay ngunit paano naman ang mga nasa laylayan.

Ibinahagi ni Jatupol Boriboon na nagtatrabaho sa isang tindahan ng mga cellphone sa Rattanaburi, Thailand ang nakakalungkot na realisasyon nang makita niya ang lola na naghahanap ng cellphone para pang online class ng kaniyang apo ngunit ang perang mayroon lamang sila ay 2,000 baht o P 3115.50.

Nalungkot si Boriboon pagkat wala silang ibinebentang cellphone na may ganoon kababang presyo. Hindi niya din alam kung posible bang mayroon nito sa iba pang tindahan na pasok sa kanilang badyet.

Nang mabasa ng marami ang post ni Boriboon, madami ang nagpahayag ng kanilang pananaw ukol sa online classes. Maaaring importante nga na makapag- aral ang mga bata ngunit importante din ang kalusugan.

Dahil sa hirap ng buhay na mas lalo pang humirap, hindi na makakayanan ng mga nasa laylayan na isingit pa sa kanilang gastusin ang pamimili ng mga smartphones imbis na ipambili na lamang ng pagkain at pambayad sa mga bayarin.Mag lola, hindi makabili ng smartphone na gagamitin ng kaniyang apo pang “online class” dahil kulang ang kanilang pera