Iba na nga naman ang mga nagagawa at naiimbento sa modernong panahon ngayon. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagbabago, kinakailangan pa din nating sumabay sa agos ng mga ito.

Kagaya na lamang ng Transparent na banyo sa bansang Japan na ibinahagi ng GMA Digital Specials.

Sa dalawang parke sa Shiyuba Tokyo, Japan nakatayo ang tinatawag na “Transparent” o “See- Through” na palikuran na kung saan nakikita ng malinaw sa labas ang kung sino at ano man ang nasa loob ng kada cubicle.

Ang kauna- unahang pumapasok sa isipan ng mga tao ay ang kahihiyan na kanilang mararanasan kapag ginamit nila ang palikuran ngunit sa katunayan, kapag ini- lock ang pintuan ng transparent toilet ay agad namang lalabo ang mga dingding nito at tuluyang magiging pribado habang may gumagamit.

Ang sikat na arkitektong si Shigeru Ban ang nakaisip ay nakagawa ng makabagong transparent toilet. Ayon sa kaniya, madalas na pinoproblema ng mga tao ay ang mga public toilet kaya naman mas maiging makita sa labas pa lamang kung marumi ba ito o malinis bago gamitin.

Bukod pa dito, mas madaling malalaman kung mayroon bang taong gumagamit nito. maging ang mga PWD ay maaari ding makagamit nito dahil ginawang accessible ang toilet. Nagsisilbi din daw itong atraksyon sa gabi sa dahil sa taglay nitong kulay.

Ang makabagong palikuran ay ilalagay sa 17 lokasyon sa Shibuya. Sa ngayon ay mayroon nang 5 bukas na transparent toilet gaya nang sa Ebisu East Park, Higashi Sanchome, Haru-no-Ogawa Community Park. Habang ang natitirang 12 ay inaasahang bubuksan sa taong 2021.

Ang layunin daw ng proyektong ito ay ang baguhin ang mga tradisyonal na disenyo ng mga madilim, madumi at nakakatako na public toilet sa Japan.

Transparent na Banyo sa Japan! | GMA Digital Specials

Game ka bang subukan ang mga transparent toilet sa Japan? 😂Sa Tokyo, ilang toilet na "see-through" ang mga dingding ang itinayo bilang parte ng proyektong "The Tokyo Toilet." Layunin nito na baguhin ang disenyo at pagtingin sa mga public toilet sa Japan. Paano naman kaya ang privacy? Panoorin sa video na ito!Basahin: https://bit.ly/328Okkv

Posted by GMA News on Saturday, August 22, 2020